2

7.2K 182 2
                                    

CHAPTER 2

TWO weeks have passed since 'that' day happened and Grazella is still living her own life peacefully... or not.

Stress na stress na siya!

Ilan na sa project ng company na hawak niya ang pumalpak, her father and her family are also pressuring her.

Nagtatagis ang bagang niya ng marinig ang report ng secretary niya na muli silang tinanggihan ni Mr. Cromwell na CEO ng isang kilala ring kompanya.

"How dare he!? He dares to reject us? Minamaliit niya ba tayo?"

Jusme.

Ang kompanya ng pamilya nila Grazella ay hindi ganoon kakilala o kalaki. Pero hindi rin 'yon ganon kababa!

At simula ng ihalili sakaniya ang isa sa kompanya ng Lolo niya ay alam niyang may naiambag siya sa pagpapalago non.

So, anong karapatan ng ama niya na takutin siya tungkol dito na kung hindi niya mapapapayag si Mr. Cromwell sa partnership, eh wala na siyang kwenta at kukunin na nito ang mga naipundar niya?!

"Ma'am, please calm down. We still have hopes, Mr. Cromwell did not say 'no' yet-"

Itinaas ni Grazella ang palad para patigilin ang secretary niya sa pagsasalita, nanakit ang sentido niya at gusto niya muna ng katahimikan sa ngayon.

Natahimik ang secretary niya bago napatango saka lumabas ng office niya.

Ilang minuto lang siyang nakapikit habang pinapahinga ang isip nang biglang tumunog ang telepono niya.

Hindi yon sinagot ni Grazella hanggang sa tumunog nanaman iyon. Paulit-ulit.

Inis niya 'yong sinagot.

"Nak?" Boses iyon ng ina niya kaya ang sasabihin niya sanang 'Stop calling!' ay naudlot.

Kinalma niya muna ang sarili, "Ma?"

"Can you come home early tonight?"

"Why?"

Kinuha niya ang bag at saka kinuha ang vics. Sininghot niya iyon at inilagay sa sentido niya.

It works alright? Don't judge her.

"Gusto kong makapagpahinga ka dahil alam kong stress kana, we'll be having a welcoming party tomorrow."

"Huh? Tomorrow? Agad-agad?"

"Yes, Sweetie."

Unti-unting nagsalubong ang kilay niya, "For what?"

"For your father's important guest."

A party just for a guest? How important he is?

Napaismid si Grazella.

Ni-hindi nga maalala ng ama ang birthday ng sarili niyang anak, tapos para sa 'important guest' nag-paparty agad?

"How exactly important that guest is?"

"Very. Very important, Anak. Sakaniya nakasalalay ang pabagsak na kompanya natin. That's why--"

"Kailangan nating sumipsip sakaniya?"

"Grazella!" May babala ang kanina'y malambing na boses ng ina bago ito nagpatuloy, "He's your father's bestfriend that's why he is also willing to help. Don't disrespect anyone tomorrow and act like your age. Umuwi kana rin ngayon din." Anito bago ibinaba ang tawag.

Tsk.

A scum father and a very weak, fragile mother who can't even protect its children.

Very good for a parent.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon