CHAPTER 6
"Oh? A-anong tinitingin-tingin mo?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Tulad ng dati wala siyang sagot at patuloy pa rin ang pakikipagtitigan kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. Itinuon ko nalang ang pansin sa mga binabasa kong notes para sa mahalagang gagawin kapag nakalapag na kami sa Russia, pilit na hindi pinapansin ang titig niya.
Pag ako talaga napikon tutusukin ko ang mga mata nito. Pasalamat siya pati mata niya maganda.
"Ma'am, Sir. Do you want some pastries? Drinks?" Yung stewardes na napadaan dala-dala ang isang cart.
'Ma'am, Sir' daw pero kay Martinez lang siya nakatingin?
Inilingan ko yung stewardes bilang sagot habang itong katabi ko ay kumuha lang ng isang bottled water.
"Aren't you cold?" Maya maya ay biglang aniya.
Natigilan ako saglit, hindi ko siya pinansin bago muling ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Wala akong naririnig.
"Hey. I'm asking you." Seryoso at may diin ang boses niya, puno yon ng awtoridad kaya inipon ko lahat ng pasensiya ko saka siya nilingon at pilit na nginitian.
"Yes~ Mr. Martinez?"
"Aren't you cold?" Taas kilay na tanong niya.
"Cold? I'm not--"
"You're not? With that kind of clothes?" Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko kaya awang ang labi na sinundan ko ang tingin niya.
Walang masama sa suot ko, sadyang abnormal ka lang.
Inulit ko ang sagot ko, "No. I'm not, Mr. Martinez. I'm fine. Kaya kung wala ka ng gagawin ngayon, magpahinga ka nalang muna," At huwag mo na akong bwisitin pa.
Natahimik siya kaya akala ko tapos na at muling itinuon ang paningin sa cellphone ko, matapos kong masigurado na kompleto na ang mga importanteng files at notes doon ay saka lang ako naglaro bilang pamatay oras dahil nasa labing apat na oras rin ang magiging byahe namin.
Natigilan lang ako ng maramdaman ang biglaang pagtabon sakin ng kung ano, kumabog ang dibdib ko ng umabot sa pang-amoy ko ang nakahahalina nong amoy. Kaya natataranta ko yong inalis sa ulo ko at pinakatitigan.
"What the-- coat?" Kunot noo kong nilingon ang lalaking tila wala-walaan lang na nakahalukipkip sa tabi ko. Wala na ang shades niya na hindi ko alam kung saan niya itinabi, pikit ang dalawa niyang mata kaya mas payapa siyang tingnan. "Mr. Martinez? Ah.. is this--?"
"I'm asleep."
Nagtagis ang bagang ko. 'Clearly, you're not!'
"I don't need this--"
"I'm asleep."
Hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. Kung hindi lang talaga siya nagsasalita masasabi kong tulog siya.
Napabuntong hininga ako at saka isinuot ang coat. Medyo malamig nga pero kaya ko naman.
At sana kung magpapahiram siya ibinigay nalang niya ng maayos, hindi yung ibinabalibag niya! Medyo nagulo pa tuloy ang buhok ko.
"Salamat, Mr. Martinez." Kahit nakapikit siya ay nangiti pa rin ako ng matamis, peke man at labag sa loob atleast nagpasalamat pa rin ako sa bagay na ibinigay niya na hindi ko naman kailangan.
****
Marahang iminulat ni Blade ang isang mata para nakawan ng tingin ang dalagang mahimbing na natutulog sa tabi.
Hindi raw 'to nilalamig pero kung isiksik ang sarili sa gilid ay tila inakay na humahanap ng init sa inahin.
Napailing siya saka itinaas ang kanang kamay para senyasan si Mr. Kim na nakaupo sa likod.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...