19

5.5K 162 21
                                    

CHAPTER 19

Pumasok si Grazella sa backseat ng itim na Ferrari matapos siyang pagbuksan ni Mr. Kim ng pinto.

Hindi na siya nagtaka na nandoon si Blade. Naka-casual 'to ngayon, magka-krus ang hita ni Blade maging ang mga bisig nito at pikit ang mga mata habang nakasandal sa gilid ng bintana. Hindi tuloy malaman ni Grazella kung tulog ba ang lalaki o hindi.

Tahimik lang sila habang nasa byahe.

Hanggang sa maalala ni Grazella ang mangang naiwan sa hospital, "Hala? Yung manga ko?" mahina niyang naibulong na narinig naman ng mga tao sa loob ng kotse.

"Your mangos are safe. So just close your eyes and rest." aniya ng yelong katabi.

Napaayos ng upo si Grazella. Hindi naman siya inaatok kaya nilibang nalang niya ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Ipinikit niya ang mga mata ng ilang minuto para ipahinga lang sana ang nananakit na mata katititig sa tanawin nang maramdaman niya ang paggalaw ng katabi.

Kinuha ni Blade ang ulo ni Grazella at isinandal sa balikat niya.Pinigilan ni Grazella na magkaroon ng reaksyon ang sarili. Kailangan niyang kumalma, umakto na tulog at magwala-walaan.

Napasulyap si Mr. Kim sa salamin ng sasakyan at napangiti sa nakita, mahina siyang nag-cheer para sa Boss niya sa isip niya habang ang driver naman nila ay nanatiling bulag sa mga nangyayari sa loob ng kotse.

Pakiramdam ni Grazella ay mas bumagal ang oras sa tagal niyang tila tuod na nakasandal sa balikat ng lalaki. Unti-unti niyang idinilat ang isang mata para tingnan si Blade. Ang side view face nito ang unang nasilayan ni Grazella dahio nakatanaw ito sa labas ng bintana, walang makikitang emosyon sa itim na mga mata ng lalaki pero makintab 'yon sa mga mata ni Grazella, kitang-kita rin ang defined jaw line ni Blade dahil sa anggulo nito.

Agad niya tuloy naipikit ang mga mata saka nagbilang nalang hanggang sa huminto ang sasakyan.

"Nag-enjoy ka masyado?"

Hindi alam ni Grazella kung sinong kausap nito pero tingin niya ay siya 'yon.

Tulog ako! Tulog!

"Pwede na ba akong bumaba? Aren't you enjoying this too much?"

Agad na napaupo ng deretso si Grazella ng makumpirma niya na siya ang pinatatamaan nito. Napahimas siya sa leeg na nananakit at sa katawang namamanhid.

"I told you, you're suck at acting." malamig na ani ni Blade bago lumabas ng kotse.

Umingos lang si Grazella, bahagyang namumula ang mukha niya ng lumabas at sumunod papasok ng bahay ni Blade. nag-istrech muna siya bago naglakad papasok ng bahay.

Napapalibutan ng puno ang buong bahay, sa harap at likod ay may garden na puno ng iba't ibang uri ng bulaklak. May fountain at swimming pool rin. Malaki ang bahay ni Blade, puti na may grayish linings ang labas 'non, gloomy ang bahay tulad ng may-ari.

Hindi sila nagpapansinan dalawa, pagpasok sa loob ay makikita na agad ang sala, naupo doon si Grazella lalo na't may nakita siyang mangga at toyo sa glass na lamesa.

Masaya lang siyang ngumunguya habang feeling at home na binuksan ang malaking flat screen T.V.

Wala siyang iniisip ngayon kung hindi ay mag-saya, hindi pa rin sila nag-uusap ni Martinez tungkol sa mga bagay-bagay.

Napansin naman ni Blade ang maligalig na bata sa couch. Nilapitan niya si Grazella, " Stop eating too much mangoes."

"Mango lang walang 'es'."

"Hindi ka pa kumakain ng agahan, Grazella." nangunot ang noo ni Blade at matamang tinitigan si Grazella na hindi siya pinapansin.

Halos lumabas ang ugat sa noo ni Blade pero kinalma nito ang sarili.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon