Warning: This scene might be kinda dark for some readers.
CHAPTER 15
"Gra--"
"I'm not."
Hindi pa man siya nakakaupo ng maayos ay nagsalita na ako.
Ikinurap ko ang mga mata ko habang nakikipagtitigan sakaniya.
"You're not what?"
"I just need to use the telephone. Can I... borrow yours?" Pagiiba ko ng usapan.
Bakit ba kasi masyado akong kabado?
Nawe-weiduhan ang tingin niya sakin ng iminuwestra ang upuan sa harapan ng table niya.
"Tatayo ka nalang ba diyan?"Pumasok kami sa isang malaking kwarto, puno yon ng iba't ibang libro. May kadiliman rin dahil ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa loob ay ang liwanag na nagmumula sa mga bintana.
Air conditioned ang buong lugar.
Hindi ako naupo at inilahad ko lang ang palad ko, "Can I now?" tukoy ko sa telepono na kanina ko pa hinihingi. Hindi ko siya tinititigan sa mga mata at kung maari ay tagusan rin ang tingin ko sakaniya.
Hindi siya sumagot.
"Ah..Maraming salamat pala sa pagtulong na ginawa niyo sakin kanina. Nakakahiyang nakita mo na ganon ang sitwasyon ng pamilya namin." Natawa ako ng peke at humanap ng pwedeng i-topic, siguro ay dapat ko muna siyang purihin bago humingi ng pabor? "Kung hindi ka siguro dumating baka naibaon na ako ng buhay ni Papa. Mr.Martine--" kahit medyo nagtataka ako dahil ang alam ko ay paalis na siya kahapon. Kaya paanong bigla siyang susulpot?
"Just call me Blade."
Blade..Blade.. magandang bigkasin yon sa labi. Masyado lang pangit ang ugali ng nagmamay-ari.
"..Okay. Now can I use your telephone? And don't worry after I called my secretary, I will leave immediately."
"..."
Huminga ako malalim, "Tatanawin kong malaking utang na loob 'to. Mr. Martinez-"
"Blade."
"...Blade." ang ngiti ko ay naging ngiwi, malapit na akong maasar sakaniya, " Kagaya nga ng sinabi ko--"
"Malaking utang na loob? Ano namang ipangbabayad mo? As if meron kang kayang ibigay sakin sa kalagayan mo ngayon?" Seryoso siya ng tingnan ako mula ulo hanggang paa. "Kung mas mukha ka pang naghihirap kaysa sa mga katulong ko rito, Grazella."
Aba?-
"Hindi porket tinulungan mo ako't pinakain, libre na ang insultuhin ako. Ahh!-- isa ka nga palang dugong bughaw, Kamahalan. Ang isang maruming aliping tulad ko ay hindi karapat-dapat magpakita sa harapan mo." Puno ng sarkasmo ang boses ko ng ngitian siya.
"You're right." Tatango-tango pa ang gunggong.
Tikom ang bibig ko habang tinitingnan ang bored niyang posing sa swivel chair. Kulang nalang ay lumabas ang ugat ko sa noo dahil sa naiimahe kong minamaliit niya ako sa paraan ng pagtitig ng mga mata niya.
Nakapangalumbaba siya sa table habang saakin pa rin nakatuon ang tingin.
Malakas akong bumuntong hininga saka siya tinalikuran para sana lumabas sa pinto, "Fine! Kung ayaw mong magpahiram, edi 'wag. Salamat nalang sa pagtulong mo sakin, Blade. Gagawa ako ng paraan para mabayaran ka." Umirap ako sa hangin saka pinihit ang seradura ng pinto, " I won't stay here any longer dahil ayoko namang dumihan ang mga mata mo, once again thank you." nilingon ko siya saka nginitian muli ng peke.
Sa utak ko nalang iimaginine kung paano siya paulit-ulit na i-umpog sa pader baka sakaling magkaron na ng damdamin ang mukha niyang palaging walang emosyon.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romantizm~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...