A/N: Uunahan ko na kayo. SPG scene ahead. *cough* *cough* at pwede ba kapag may typo nga pala ako or error sa grammar pakisabi sakin T^T. I love you all, thank you!
CHAPTER 30
"Am I ugly?"
"No."
"But I do look ugly..."
"No."
"Really?"
"Yes."
Nakasimangot na nilingon ni Grazella si Blade, ibinaba niya ang damit at nilapitan 'to sa table. Busy nanaman ang lalaki at walang oras para tingnan siya, nakakalong dito ang tatlong buwang gulang nilang anak.
'Ang bilis ng araw.'
Napabuntong hininga si Grazella saka tumungo para papakin nanaman ang mukha ni Ezequiel. Nakakailang halik at kagat pa lang siya sa pisngi ng bata ay itinulak na ni Blade ang mukha niya.
"Aray!"
"Stop doing that." Salubong ang kilay at masama ang tingin ni Blade sakaniya bago nito mas yakapin ang anak at ilayo kay Grazella.
"At bakit?!"
Mas nalukot ang mukha ni Blade, "Because it's dirty."
"I'm not dirty!"
"Everyone has a dirty mouth. Bibig ang pinakamaduming parte ng tao. Stop kissing Ezequiel like that." Anito saka agad na pinunasan ang mukha ni Ezequiel gamit ang wet wipes na nasa tabi.
Wala namang kaalam-alam ang bata at panay lang ang tawa habang pabalik-balik ng tingin ang bilugang mga mata sa magulang na nagsasagutan.
"Oo na!" Napairap si Grazella, "Akin na nga muna ang baby Quiel ko. Pumirma ka nalang diyan." Kinuha niya si Ezequiel kay Blade na nag-aalangan pang ibigay sakaniya ang bata kaya pinanlakihan niya 'to ng mata, "Hindi stress ball ang anak mo, Martinez. Huwag mong pisil-pisilin sa tuwing bored na bored ka. Magtrabaho ka nalang diyan."
Sa huli ay binitawan rin ni Blade ang anak nila saka matamlay na ibinalik ang tingin sa laptop na nasa desk.
Umingos lang si Grazella saka lumabas ng office ni Blade na nasa pamamahay nila. Umakyat siya sa taas at agad na tinungo ang playroom na siyang kwarto na rin ni Ezequiel.
Inilipat na nila ito ng kwarto noong mag dalawang buwan at kalahati ang bata, may mga katulong na rin na kinuha si Blade para sa anak nila, kasama na doon si Manang Selya. Pero siyempre at sila pa rin ang kadalasang nag-aalalaga kay Ezequiel, sadyang kailangan lang talaga nitong masanay muna na wala ang mga presensiya nila dahil may trabaho si Blade habang si Grazella naman ay napagpasiyahang magpatayo ng restaurant sa City.
"Ang cute-cute naman ng baby na yan." Pinisil niya ang pisngi ni Ezequiel na puno ng tawa ang mga mata. Mas lalong lumobo ang anak nila kaya sino bang hindi macu-cute-tan doon?! "Napakaarte ng tatay mo, anoh? Ilibing na ba natin ng buhay? Hmm?" Nakatawa ang mukha ni Grazella habang malambing ang boses na sinasabi 'yon sa anak kaya nahawa rin si Ezequiel at mas lalong lumakas ang hagikgik, inaabot ng maliliit nitong kamay ang mukha ni Grazella.
Pinadede ni Grazella ang anak bago ito idinuyan, nagsimulang mamungay ang mga mata nito bago tuluyang pumikit.
Kaya titig na titig si Grazella sa anak na nasa bisig, dumaan ang daliri niya sa kilay ng anak na halatang mas kakapal pa, sunod ay sa ilong nitong maliit bago tumungo sa mata nitong mahahaba na ang pilik-mata. At ang panghuli ay ang maliit na labi ng anak na bahagyang nakaawang pa.
Handang makipagpatayan si Grazella kung sino mang hindi maniniwala sakaniya na anak niya ang napaka-cute na manika na buhat-buhat niya ngayon.
"Manang?"
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...