A/N: Typos and grammatical errors ahead.
CHAPTER 17
Halos dalawang araw rin ang itinulog ni Grazella bago siya magising sa loob ng isang puting kwarto, malambot na higaan na may medyo nanghihinang katawan.
Sa mga nagdaang araw rin na wala itong malay ay impyerno ang dinanas ni Mr. Kim lalo na ang mga tauhan nilang naka-toka ang bantay kay Grazella, maging ang mga maids sa bahay ni Blade ay hindi nito pinalampas.
Ang nakatayong si Mr. Kim sa labas ng pintuan ay tinanguan ang Doktorang pumasok sa kwarto, hindi man siya natanggal sa trabaho niya pero mas nadagdagan naman ang trauma niya. Kaunti nalang talaga at baka siya na mismo ang mag-resign. Pinanlalamigan pa rin siya sa tuwing maalala ang galit na mukha ni Blade ng itutok nito sakanila ang personal nitong baril.
Malakas na napabuntong hininga si Mr. Kim, 'Sana maging maayos na ang kalagayan ni Ms. Guerero.' Para mabawasan na rin ang parusang ibinigay sakaniya ng boss niya.
Inilibot ni Grazella ang paningin sa kwarto. Hindi pa niya masyadong naigagalaw ang ulo at nananakit pa rin ang katawan niya.
Gusto niya sanang itaas ang kamay ngunit may mabigat na nakapatong doon.
"...Where does it hurt?" Agad na naalimpungatan si Blade nang maramdaman ang kaunting paggalaw ni Grazella. Itinaas niya ang nakayukong ulo mula sa kamay ng dalaga na hawak-hawak niya.
Agad nagsalubong ang kilay ni Grazella ng marinig ang boses ng lalaki at nang makabawi ay natatarantang napaupo sa higaan.
Maging ang seryosong mukha ni Blade ay napalitan ng pag-aalala. "Huwag kang masyadong magaslaw. Kagiging mo lang." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Grazella saka ito inihigang muli, paalis na sana siya para tawagin ang doktor nang pigilan siya ni Grazella.
Nagsisimulang mag-unahan ang luha nito habang nakatitig sakaniya, "How is it?...How is my baby? maraming dugo akong nakita kanina. H-how is my baby!" Nagpapanic ang boses nito at halata ang lungkot sa mukha. Kagigising lang ni Grazella kaya hindi nito alam na mada-dalawang araw na siyang walang malay.
"Shhh--Everything will be fine." Wala sa sariling niyakap ni Blade ang humahagulgol na babae, tila may kung anong karayom kasi ang tumutusok sa dibdib niya sa tuwing makikita 'tong umiiyak. "Stop crying, wala rin yang maidudulot na maganda sayo, Grazella." Madiin na aniya.
Hindi umimik si Grazella ngunit patuloy pa rin siya pag-iyak.
"This..this is all your fault! I hate you. I hate you! Kung sana pinabayaan mo nalang ako. Let go! I don't want to see your face!" Humihikbi si Grazella nang magpumiglas sa mahigpit na yakap ni Blade. Pero at dahil nanghihina pa siya at masyadong bato ang lalaki ay hindi siya nakaalis.
Seryoso lang ang mukha ni Blade habang pinababayaang tumama sakaniya ang mga hampas ni Grazella. Kailangan niyang kalmahin ang babae dahil baka mapano nanaman ito.
Mariin niyang naipikit ang mga mata saka niyakap ng mahigpit si Grazella, hinalikan niya ang tuktok ng buhok nito saka mahinang bumulong, "Yes, it is my fault. I'm sorry. Now calm down first."
Nagtatagis ang bagang ni Blade sa sobrang inis. Nasaan na ba ang doktor!?
At bago pa man siya bumuga ng apoy ay sakto namang pumasok ang isang babae na naka-lab coat.
"Sir?"
Natigilan ang Doktora ng makita ang matalim na titig sakaniya ng lalaki kaya dali-dali siyang lumapit.
Kinalma nito si Grazella hanggang sa bumalik sa dating pagkakahiga ang babae.
Ipinatong ni Grazella ang mga kamay sa tiyan, nagsisimula nanamang magluha ang mga mata niya kaya kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Roman d'amour~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...