CHAPTER 22
Panay ang pagtitig ni Blade sa kamay na yumakap kay Grazella kahapon. Sariwang-sariwa sa memorya niya ang nanghihinang itsura ng babae at ang nagsusumamo nitong mga mata. Maging ang naging mahigpit na yakap nito sakaniya.
Mas naging malaki ang ngisi sa labi ni Blade.
That's right. Mas maganda kung mas dedepende sakaniya si Grazella. Handa niyang gawing masama ang lahat ng taong nakapaligid dito at gawing mabuti ang sarili sa harapan ni Grazella.
Panay naman ang palitan ng tingin ng mga tauhan ni Blade na nasa loob ng meeting room. Maging ang nagpapaliwanag sa harap ay natigilan at pinagpawisan ng malamig dahil sa kakaibang ngiti na nakita nila sa kanilang boss.
"Anong tinitingin-tingin ninyo?" malamig na anito na agad na napalis ang ngiti sa labi. Nagsi-iwas ng tingin ang lahat habang nanginig naman ang nag-rereport sa harap na nautal-utal pa nang nagsalita.
Mas nawalan ng emosyon ang hitsura ni Blade.
"Get out." matalim ang mga mata nito ng titigan ang lalaki sa harapan, "If you can't even explain your team's project clearly, How sure can I be that it will become successful?"
Mas lalong nagpanic ang lalaki sa harapan kaya pikit-matang napaiwas si Mr. Kim na nakatayo katabi si Blade na nasa pinakagitna ng mahabang lamesa. Wala rin naman siyang magagawa.
Kapag sinabi ng boss niya na gusto na nitong magpakabuti, hindi 'yon applicable sa lahat ng tao, kung 'di ay kay Grazella lang.
"P-President!" nawalan ng kulay ang mukha ng lalaki, hindi pwedeng masayang ang proyekto nila na ilang buwan din nilang pinagplanuhan.
Napalatak si Blade bago itinaas ang kamay at balak niya sanang ipakaladkad ang lalaki palabas ngunit isa sa mga ka-team nito ang matapang na humakbang at yumuko kay Blade.
"B-Bigyan niyo pa ho kami ng pangalawang pagkakataon, President!" pikit matang nagdasal ang taong 'yon dahil alam niyang hindi ganon kahaba ang pasensya ni Blade sa lahat ng bagay, kung ayaw nito, ay ayaw nito. Pero mukhang good mood ngayon ang boss nilang moody kaya kailangan niyang subukan para sa maganda nilang kinabukasan.
Lumapit na si Mr. Kim para tulungan sila, "Boss, tatawag daw ho sainyo mamaya si Ms. Guerero. Siguro ay dapat pagbigyan niyo na para matapos na ng mabilis 'to."
Napaisip saglit si Blade bago napapayag, nakahinga ng maluwag ang lahat ng mga tao sa loob ng kwarto.
'Sa wakas. Isa na itong once in a lifetime Chance.'
-
"Blade!"
"Mr. Carlos--" nangiwi si Mr. Kim nang maitulak siya ni Carlos na siyang nag-iisang nakakasalamuha ni Blade sa malapit na pader, pinipigilan niyang pumasok ang lalaki sa opisina ng Boss niya.
"Why did you suddenly pulled your shares in my company?!" galit na tanong nito nang makapasok sa malaking opisina ni Blade.
Walang reaksyon si Blade sa naging sapilitang pagpasok ni Carlos. Hindi na siya nabigla. Ibinaba niya ang ballpen at saka pinagsalikop ang mga kamay. "Ask your sister."
Nangagalaiti si Carlos pero hindi niya dapat galitin si Blade. Himinga siya ng malalim para kalmahin ang sarili, masyadong malaki ang shares na hawak ni Blade sa kompaniya niya at kung bigla-bigla nito 'yong kukunin anong mangyayari sa kalahati ng kompaniya niya? Sigurado rin na ang ibang shareholders na kaya lang umanib sakaniya dahil kay Blade ay magpu-pull out din.
"What did she do this time?" tanong ni Carlos.
"You should ask her."
"I will bring her here, siguradong hihingi ako ng tawad sa kung anong nagawa ng kapatid ko." tiim bagang na aniya, "Huwag namang basta-basta ganito, Blade!"
BINABASA MO ANG
ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)
Romance~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting for it's prey. Naghintay si Blade ng ilang taon magkaron lang siya ng tyansa sa babaeng matagal na...