Alyssa's POV
Maaga ako ngayong pumasok sa trabaho since pagkagising, nauna na si dennise. Di man lang ako inantay. Aaminin ko, mahal ko talaga siya kaya ko siya laging pinagsisilbihan. Pero need kong isama yung daddy niya sa usapan. Baka sabihin niya na aasa ako sa kanya. Kasi I feel like, she already know my feelings. Hindi niya lang sinasabi but I know 'she knows'
"Pagod yarn?"Sambit ni michelle ng makalapit ito sa office ko. Humiga din kasi ako sa upuan kasi sumakit yung ulo ko, "Sumama ka sa amin ni ella mamaya. Mag-iinom kami. Para mabawasan na rin yang iniisip mo."
I shook my head, "Pass. Aasikasuhin ko pa si denden pag-uwi."
"Aasikasuhin?"Kunot-noong sambit nito sa'kin, "Ni ayaw ngang magpaalaga sa'yo ng tao eh. Hindi mo siya obligasyon, ly."
"I'm not doing this because I like her. I'm doing this because that's what her dad told me. He told me to look out for her. To take care of her."Paliwanag ko pa sa kanya.
"But that's not what I saw, ly. If I were you, humanap ka nalang ng bagong chicks na mamahalin ka ng totoo."Napatingin ako sa sinabi ni michelle.
Yan din yung sinabi ko sa isip ko. Na sana makahanap ako ng babaeng mamahalin ako ng totoo. Pero pa ba nun? But it's like, my heart only belongs to her kasi. Hindi ko siya kayang pabayaan nalang kasi sobrang mahal ko siya.
"Ly, may manliligaw na yon. And for sure, she won't think twice para sagutin niya yung suitor niyang yon."Pahayag niya, "Wag kang magpakatanga sa taong hindi susuklian ang pagmamahal mo."
"Hindi ko naman hihilingin na suklian niya yung nararamdaman ko eh. I just want our friendship to stay. But..."Napabuntong-hininga ako, "...it seems lang that won't happen kasi she already end it eh."
"Do you miss her?"Michelle asked.
"Yeah. I miss our bonding with team besh."Napatango-tango pa ako, "Nilalayo niya yung sarili niya sa amin. Pati kila ella, maybe, because kasama ako? Kaya lumalayo din siya sa tatlo."
"I'm telling you, alyssa. Don't show her any kind of treatment like you're taking care of her. Kasi she will think na special siya for you."She said.
"Ginagawa ko naman yon lagi para sa kanya. Tska special nga siya for me. I'm always taking care of her since then. Wala lang naman sa kanya yon. But suddenly, she just ended our friendship like bruh."Wika ko pa sa kanya.
"Ang labo naman."Kinakamot na naman niya yung ulo niya.
"Kinukuto ka ba? Kahapon ka pa ganyan, yang pagkakamot ng ulo mo."Sabi ko pa sa kanya.
"Kasi naman teh, sobrang labo ny friendship niyo."Kinakamot niya ulit yung ulo niya, "Wala ba siyang nasabi why she ended your friendship."
"Wala naman. Sabi niya lang sa akin na hindi niya mabibigyan yung kahilingan ko. What does that mean?"
She shrugged her shoulders, "Hindi ko din alam. Baka may sinabi ka sa kanya na di niya nagustuhan."
Napakunot ako ng noo, "I didn't say anything. Tska sobrang tagal na rin nung huli kaming nag-usap. Yung pinutol niya yung friendship namin, yun ang huli."
"Tapos until now, you guys weren't okay 'no?!"Tinanguan ko naman si michelle.
"Where's ella pala?"Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Nasa office niya, natutulog na naman si gaga."Natatawang sabi ni michelle.
Napatawa rin ako na umiiling, "Lagot na naman yon kay boss panigurado. Lagi kasing nagpaparty sa condo eh kaya ayan, tulog na naman ng tulog."
Well, speaking of...
"ELLA!!!"Uh-oh! it's our boss' voice, rinig na rinig dito ang boses niya boss namin.
Kaya mabilis kaming tumayo ni michelle para makichismiss. Marites kaming dalawa eh. Natutuwa din kami kapag pinapagalitan siya ng boss namin. Aso't pusa sila lagi ni boss, sila ata magkakatuluyan neto eh since di naman nagkakalayo yun edad nila.
"How many times do I have to tell you to focus on your work?"Napahawak si boss sa kanyang ulo dahil sa galit, "Wala ka ng ginawa kundi matulog. Palibhasa, pumaparty ka lagi sa condo mo."Nakatinginan kami ni michelle saka tumawa.
"Sir, tapos na ako sa trabaho ko. Wag niyo po akong istorbohin dito pls lang sir. Respeto naman!"Sagot ni ella kay boss.
"Ay wow! Talagang sumasagot ka pa sa akin? Oh sige, marami pa akong ipapagawa sa'yo. Akala mo siguro ha!?"Sabi sa kanya ni boss.
"Boss naman, joke lang eh. Ito, di na mabiro. Boss mapagmahal ka talaga."Pang-aasar pa niya kay boss.
"Look, ella! In 3 months, may aasikasuhin pa ako sa ibang bansa. Yung kapatid ko, uuwi siya. And she will going to manage this muna."Boss explained, "You guys are lucky kasi hindi ako masyadong mahigpit sa inyo. Eh, yung kapatid ko? Hindi pwede sa kanya ang patulog-tulog lang. She's strict when it comes to work."
Bali-balita, sobrang terror daw nung kapatid niya. I haven't met her yet pero grabe daw yung sungay nung kapatid niya. As if, matatakot ako.
"But anyway, next next month pa naman yon. Kaya di niyo pa matitikman ang hagupit nun. But if I were you guys, magfocus nalang ako sa work cuz I can't defend all of you here sa pagkastrict ng kapatid ko."He calmly said, "Yun lang, I have to go kasi marami pa akong aasikasuhin. Ella, behave!"
Napangiti ako and ganun din si michelle. We feel kilig sa kanilang dalawa. They look good together. They even have chemistry. They're so cute!
YOU ARE READING
Living with my Mortal Enemy (samlyden)
RomanceAlyssa Valdez, a girl who wants to have fun not until she met this girl. Denisse Lazaro, a girl who hates her because of her presence. Their parents decided to make them live in the same roof so. Alyssa started to like her but Denisse doesn't. Not u...