Chapter 22

1K 29 31
                                    

Alyssa's POV

Bumaba na kami ni samantha pagkalanding palang mg eroplano. Kami yung nasa unahan ng exit kaya nauna kaming lumabas dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata ni samantha ang saya.

"It feels like home."She said, "Ang tagal kong hindi nakauwi. Now, I feel happy."

Napatingin ako sa kanya, "Aren't you happy sa manila? Masaya ka din naman dun. Or sa amerika."

"Hindi ko kasi ramdam na masaya ako sa manila eh. Kahit sa amerika. Feeling ko kasi, may kulang."Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit hindi niya sabihin.

"So, saan na tayo pupunta?"Tanong ko sa kanya. I know, she's not comfortable with our topic so I decided to change it nalang.

"Let's wait sa sundo natin. May tinawagan akong service eh. Antayin nalang natin."Sagot naman niya, "Magkwentuhan muna tayo saglit."

I looked at her with full of confusion, "What are going to talk about? Wala naman tayong pag-usapan."

"I mean, bakit wala ka pang girlfriend?"Nagulat na naman ako sa maging tanong niya.

Hindi ako sanay na interesado siya sa buhay ko.

"I'm waiting for the right person. If I like that person then I have to sure na she'll gonna like me back. After that, I will court her na."Paliwanag ko sa kanya.

"So, your into girl pala?"Mas nagulat ako sa kanyang tanong ngayon.

"Yes."Ngitian ko ito, "Ikaw ba hindi?"

She shook her head, "I'm not interesee in girls."

"So, di mo pala ako magugustuhan niyan?"I teased her.

Sinamaan naman niya ako ng tingin, "Hindi."Inirapan naman niya ako, "Tska bakit naman kita magugustuhan? Employee lang kita."

"Ouch. Tagos sa puso."Nagkukunwari pa akong nasasaktan habang siya umiinit na yung ulo.

Natawa ako sa inasal niya. Bakit ang cute niya kapag naaasar? Same lang sila ni denden.

Inis naman niyang hinampas ang puso ko, "Aish! Daming alam."

"Hoy! Muntik na yon. Ikaw ha!? Humuhokage ka sa akin."Patuloy pa rin ako sa pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ka titigil?"Inis niyang sambit sa akin.

"Hindi."Asar ko pa rin sa kanya.

Kaya tinaasan niya ako ng kilay, "Bahala ka nga diyan."Naglakad siya papalayo sa akin pero sinusundan ko ito.

Siyempre, baka maligaw ako eh. Di ko alam pasikot-sikot dito. Ngayon lang ako nakarating dito.

"Hoy, sam!"Tawag ko sa kanya.

Humarap naman ito sa akin, "Will you stop calling me sam? I'm still your boss."

"Wala tayo sa trabaho ngayon."Sabi ko sa kanya, "Kaya I can call you whatever I want."

"Sana pala hindi na kita sinama dito."May panghihinayang na sabi niya, "Kung aasarin mo lang pala ako dito."

"Asus! Kitang-kita ko nga ang saya mo nung makarating ka eh. Halatang nalungkot ka kanina kasi di ako nakasunod agad sa terminal."Biro ko pa sa kanya.

"Wala kasi akong kasama. Sino ba namang hindi malulungkot?"She suddenly pouted which I don't expect.

"Ang cute mo."Komento ko pa sa kanya.

"Luh!"Inirapan niya ako, "Hindi ako cute. Tigilan mo ako."

"Kinikilig ka lang eh."Pang-aasar ko sa kanya.

"Diba may special someone ka? Wag ka ngang lumalandi ng iba."Nagkasalubong na naman kilay niya. Hay naku, samantha!

"Special someone lang. Di naman girlfriend. Tska may jowa na yon. Dun ako sa walang jowa."I winked at her.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Tumigil ka nga, valdez! Dami mong alam. Baka magselos yon.

"Hindi naman ako gusto nun eh."Diretso kong sabi sa kanya.

Sana nga magdilang anghel ka, sam. Sana magselos yon. Kung mangyari man yon, ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundong 'to.

"Well, if you like a person then you should wait. Wag mong mamadaliin."— Samantha.

"Ang tagal ko ng nag-antay. Pero wala pa ring proceso. Pasuko na nga ako eh."Sagot ko naman sa kanya.

"Edi humanap ka ng iba na mas better pa sa kanya. Andami kayang iba diyan."She said.

"Hindi ba pwedeng ikaw nalang?"Nginisian ko ito.

"Kanina ka pa."She pointed at me as if may utang ako sa kanya, "Tigilan mo ko. Hindi kita type."

"Ito naman, joke lang eh."Napatawa ako rito.

"Okay."Matamlay niyang sabi. Bakit bigla siyang nalungkot? Ayaw ba niyang nagjojoke ako? Ang ganda pa naman niya kapag ngumingiti, "Andito na yung service. Tara na!"Wala akong maramdang saya ng sabihin niya yon.

Sumunod nalang ako sa kanya. Ang weird niya naman.

 Ang weird niya naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: credits to the rightful owner in twitter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(A/N: credits to the rightful owner in twitter. Mag-BBS Samantha kayo mga bakla. 2nd si sam sa BBS kaya vote lang ng vote. kapag, may nagsabi next talaga ng hindi bumoboto kay sam 😤)

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now