Chapter 23

1K 24 4
                                    

Alyssa's POV

Kanina pa tahimik si samantha sa van. Alam ko namang minsan tahimik 'to pero hindi ako sanay na hindi siya nagsusungit sa akin.

"Hoy!"Siniko ko siya para guluhin pero nanatili lang itong tahimik sa tabi ko, "Pansinin mo naman ako."

Ayaw pa rin niya akong pansinin. Ginugulo ko na siya't lahat pero wala pa rin.

"Sam naman. Pinapasama mo ko dito pero ayaw mo kong pansinin."I pouted.

Tumalikod lang ito sa akin habang nakahiga. Ano bang pwede kong gawin dito? Bakit ba siya nagkakaganito? Naguguluhan din ako minsan sa ugali niya eh.

"Ay ayaw mo talaga akong pansinin?"Sambit ko rito pero nanatili lang itong tahimik, "May problema ka ba?"Wala pa rin, "Sam!"Niyugyog ko balikat niya kaya bigla itong napaayos ng upo.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Ano bang problema mo? May sayad ka ba sa utak? Tangina ka!"

"Ayaw mo kasi akong pansinin eh."Kunwari ko pang pagtatampo.

"Pagod lang ako, alyssa. Hindi ko na kinakayag yang kahyperan mo."Seryoso niyang sagot sa akin.

"Gusto ko lang makikipagkwentuhan sa'yo."I told her, "Parang kanina lang, gusto mong makipagkwentuhan sa akin, ah!?"

"Kanina lang yon. Ngayon, nandito na tayo sa van kaya matuto kang rumespeto."Pagsusungit niya sa akin.

Napatikom ako dahil sa sinabi niya. Grabe, ang tigre ang isang samantha! Magpapahinga na nga lang ako.

...

Pagkarating namin ay nauna na siyang naglakad. Sumunod nalang ako sa kanya. Grabe! Ni hindi man lang ako kinausap. Ano bang problema niya?

"Ah, good morning po, ma'am samantha."Bati ng isang staff sa kanya.

"I reserve a room for two."Seryoso sabi ni samantha dun sa staff.

"Ah wait lang po, ma'am."Tinanguan lang ito ni samantha.

After 5 minutes...

"Ma'am, wala po kayong nireserve ng room for two. Isa lang po yung nireserve niyo."Sabi nung staff.

Nakita kong kumunot ang noo ni sam dito, "Ha? I reserved room for two. Please double check. Nawawalan na ako ng oras."

Napatingin yung staff sa lalaking bumitbit ng maleta ni samantha, "Double check mo. Si ma'am samantha tong kausap mo. May ari nitong resort."So, resort pala nila ito? Kaya pala kami dumiretso dito.

"Wala po talaga ma'am eh. Isa lang talaga nireserve mo."Pailing-iling nitong sabi.

"Kung ganun, need ko pa ng isang room para sa kasama ko."— Samantha.

"Full na po, ma'am eh."Halatang takot yung staff kay samantha.

"So, saan ko ilalagay yung kasama ko?"Taas kilay nitong tanong dito, "Sa labas?"

"Sa room niyo po, ma'am."Sagot pa nito.

"Ano?"Inis na sambit nito.

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now