Chapter 15

1K 31 3
                                    

Alyssa's POV

"Ly, di muna ako uuwi. Mag-oovertime kasi ako eh. Sa office nalang siguro muna ako matutulog."Paalam ni den sa akin.

"Oh sige pero umuwi ka bukas. Baka hanapin ka ng family mo sa akin."Ayoko sanang pumayag kaso baka mag-away lang kami, "Tska ano, mga 8 din naman ako uuwi. Kasi marami pang gagawin sa work. Tapos magpapasama pa sa akin yung boss namin."

"Bago yung boss niyo diba?"Tanong pa nito sa akin.

Tinanguan ko naman ito, "Oo. Masyadong strikta. Ayaw ng mga nalalate."

"Edi late ka na niyan?!"— Den

Tumingin naman ako sa relo ko, "Late na nga ako. Lagi naman eh. Masasanay din yon sa pagiging late ko. Nasanay na nga yung co-workers ko eh."

"Oh sige na, umalis ka na. Baka mas lalo kang pag-initan ng boss mo niyan."Tinanguan ko naman siya pagkatapos.

Nagiging okay na yung pakikitungo ni denden sa akin sa makalipas na araw. But our relationship as friends, hindi pa bumabalik. Ngayon, usap nalang. Tapos kalmado na kapag nag-uusap kaming dalawa.

...

Pagkarating ko sa office ay agad akong sinalubong ng dalawa kong kaibigan. Lagi naman silang ganyan kasi nga late na ako. Nasanay na rin sila sa akin.

"Inaantay ka ni ma'am samantha. Magpapasama daw ulit siya sa'yo."Sabi ni ella ng salubungin niya ako.

"Nakataas na naman yung kilay, aly."Michelle shook her head as if she's disappointed, "If I were you, itigil mo na yang kakalate mo. Tska wag mo ng pagsilbihan yang si denden. Malaki naman na yan eh."

Hindi ko na nalang pinansin ang kanyang sinabi. Dumiretso nalang ako sa office ni samantha at kumatok.

"Pasok!"Mabilis akong pumasok pagkatapos ng kanyang sinabi, "Again, how many times do I have to tell you na ayoko ng mga late?"

"Ma'am samantha, masanay ka na. Kahit nga si boss john ay nasanay na sa pagiging late ko eh."Pormal kong sabi sa kanya.

Kumunot naman ang kanyang noo, "Hindi ako kagaya ni john na pwede mong maloko. Kung tropa mo ang kapatid ko. Pwes ako, hindi."She rolled her eyes, "Hindi mo ko pwedeng maging tropa. Boss mo pa rin ako."

"Hindi ko naman iniisip na maging tropa tayo eh. Hindi lang ako takot sa'yo. Yun lang yun."Seryoso ko pang sabi sa kanya.

"I won't stop asking you why?"— Samantha, "Bakit hindi ka takot sa akin? Halos lahat ng employees dito, nagtatago kapag dumating ako rito."

"I won't stop telling you this also. Hindi ka katakot-takot para sa akin. Sanay na akong natatarayan ng iba. I have an old friend na laging nagsusungit sa akin. But I still cares for her kahit ganun siya sa akin."Paliwanag ko pa sa kanya, "Pero dahil boss lang kita, hindi aoo nagpapakita ng care sa'yo. Yun kasi, friend ko. At matagal na kaming magkakilala kaya ko laging ginagawa yon sa kanya kahit ayaw niya."

"Your friend is unlucky, I'm telling you. And I don't think, kaya kitang pakikitunguhan sa ugali mong yan."Mabilis itong napatayo at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya.

Grabe siya!!! Siya ang sumunod sa yapak ni denden. Okay na kasi kami, si samantha naman ngayon.

...

Naglalakad kami ngayon sa mall. Kanina pa siya tumitingin ng mga perfumes. Anong makukuha niya dito sa mall? Tama nga naman si ella kahapon, kapag kukuha siya ng ideas sa ibang company or market. People might think na walang originality yung company nila. Like sino ba namang company ang kukuha ng idea sa iba diba?

"Ma'am, kailangan mong pag-isipan ng mabuti yung sinabi ko kahapon. Kapag kumuha ka ng ideas sa iba, baka ibash lang ang company ninyo."I started to talk when the atmosphere became awkward.

"Wag mo nga akong diktahan."Inis na sabi niya sa akin.

"Hindi mo naman kasi kailangang mapressure eh. Tutulungan ka naman namin."I told her.

Humarap ito sa akin, "Hindi ako napepressure, okay? Tska ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko nga kailangan ng tulong mo or ninyo? Kayang-kaya ko naman 'to eh. Baka babagsak pa ang company namin kapag nagsuggest kayo."

"Woah!"I shocked as what she said, "I admit it, hindi naman ako magaling talaga. Kasi hindi naman lahat ng ideas ko ay pumapasok. Pero the fact na lalaitin mo yung ideas ng iba? Hindi nakakabuti yan, ma'am samantha. Dapat tumatanggap ka rin ng suggestions ng ibang tao. Kailangan mo ng tulong."

"Tang—”Sinamaan niya ako ng tingin, "Ano bang mahirap intindihin? Eh, sa ayoko ngang magpatulong eh. Wag mo kong simulan, alyssa. May isip din ako. Hindi lang naman ako kukuha ng ideas sa iba eh. Nag-iisip din ako."

Seryoso akong nakatitig sa kanya, "Okay, fine! Concern lang naman kasi ako sa'yo. Baka mapressure ka diyan sa ginagawa mo. I'm just suggesting also. Kung ayaw mo, edi wag. Hindi nalang kita pipilitin."

Inirapan niya ako at nagtuloy-tuloy na itong maglakad. Sumunod lang din ako sa kanya. Ang hirap kausapin ng babaeng 'to. Ibang klase din eh!

 Ibang klase din eh!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: credits to the rightful owner in twitter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: credits to the rightful owner in twitter)

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now