Chapter 19

1K 32 8
                                    

Alyssa's POV

"Pasok na ako, den."Paalam ko sa kanya, "May foods diyan, kumain ka nalang."

"Ly, leave ka muna. Magpapasama lang ako sa'yo."Nanlaki mga mata ko sa sinabi ni den. Whut? Tama ba narinig ko? Magpapasama siya sa akin? "Hoy! Anuna?"

"Den, madami pa akong gagawin eh. Sa jowa mo nalang ikaw magpasama."Sabi ko sa kanya.

Umiling siya, "Sige na, ly. Saglit lang naman. Bukas ka nalang pumasok."

"Den, kung pwede lang, baka sinamahan na kita."Kalmado kong sabi sa kanya.

Napakamot ito ng ulo, "Naman eh. Importante kasi 'to, ly. Kaya samahan mo na ako. Saglit lang naman kasi."

Kumunot ang noo ko sa kanya, "Den, please, not now. Dati lang, pinagtatabuyan mo ko. Tapos ngayon, pinipilit mo kong samahan ka."

"May importente lang naman ako kukunin. Yung pera lang na pinadapa ng mommy ko. Yun lang yun. Tska saglit lang naman eh."She explained, "Tska hindi naman ibig sabihin na magpasama ako sa'yo ay okay na tayo as friends. Na pumayag na akong bumalik yung friendship natin."

"Kung ganun, dapat pala na hindi kita samahan. Sige na, aalis na ako. Baka mapagalitan na naman ako ng boss ko nito."Sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Hindi ko na rin siya pinagsalita. Baka hahaba lang ulit eh. Pero congrats to me ah!? First time ko siyang tanggihan. Tama yan, ly. Para hindi ka na umasa pa sa kanya.

...

As usual, pagkadating na pagkadating ko ay sinalubong agad ako nung dalawa. Hinila naman ako ni ella papunta sa pwesto niya.

"May kasalanan ka ba?"Biglang tanong ni ella sa akin.

"Kasalanan?"Sambit ko rito.

"Oo. Sabi ni ma'am samantha, kapag dumating ka daw. Sabihin raw namin sa'yo na pumunta ka kaagad sa office niya."Tugon naman nila.

"Baka magpasama lang."Sagot ko.

Umiling si ella, "Hindi eh. Kakausapin ka raw. Ang seryoso pa ng mukha niya kanina."

Napatingin ako kay michelle na wala ding alam. Napakibit balikat ito sa akin.

"Kung tatanungin mo ko, I also don't have any idea."Michelle said, "Mabuti pa, puntahan mo na para malaman mo rin kung bakit."

"Tapos ichika mo sa amin."Pahabol ni ella sa akin ng maglakad ako papunta sa office ni samantha.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Dumating ka na pala."She calmly said, "Oh."May bigla itong inabot na papel sa akin.

Kinuha ko naman ito, "Ticket."Mabilis na sagot niya, "Magpapasama ako sa'yo bukas papuntang palawan. May titignan lang akong resort dun. And I need you to be there with me."

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now