Chapter 27

1K 26 7
                                    


Ang kaganapan na ito ay SPG chz hahahahaha kaya humanda na kayo sa mangayayari charot lang 😂 asa!





Alyssa's POV

Nasa labas muna ako habang pinagmamasdan ang mga naliligo. Si samantha naman, pumasok na sa kwarto namin. Maliligo daw muna siya. Ganun kasi si sam, umaga't gabi ang pagligo niya kaya pala ang bango niya. Hindi lang ganda ang meron siya. Pati na rin, ang linis ng katawan niya. Yun nga lang, nadungisan yung pangalan niya dun sa restaurant nila.

Bakit ba puro samantha lumalabas sa bibig ko? Parang nakalimutan ko na ata si denden. Wag puro samantha, alyssa! Humanap ka nalang ng iba. Di ka naman magugustuhan nun eh. Straight nga siya eh.

Maya't maya lang ay tumayo na ako para pumasok ng kwarto. Naiihi na ako, shet! Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa CR. Nagulantang ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ni sam nang makita ako.

"Bastos!"Sigaw niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at dali-daling lumabas. Pinokpok ko ang ulo ko. Ano ba, alyssa! Wala kang modo. Bakit bigla-bigla ka nalang pumapasok? Eh, naliligo pa yon eh. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Lagi ko nalang kinakausap ang sarili ko.

Maya't-maya lang ay lumabas na ito. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ang bastos mo, tangina!"Mura pa niya sa akin.

Hindi ko napigilang matawa, "Ang tagal mo kasi. Kanina pa ako naiihi."

"Edi dapat nag-antay ka diba?"Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Gusto mo atang makaihi ako sa shorts ko."Sambit ko rito.

"Pwede naman sa dagat or sa pool nalang."Inis talaga siya sa'kin, "Naliligo pa ako eh. Ang bastos mo! Umihi ka na nga dun."

Nakangiti akong napatayo. Bago ako tuluyang pumasok sa CR, "Sam."Tawag ko rito kaya napaligon siya sa'kin, "Ang ganda pala ng katawan mo."Babatuhin na sana niya ako ng unan ngunit nakapasok na ako sa CR. Natatawa ako kapag naaasar siya.

Samantha's POV

Bwesit na alyssa! Feeling tuloy, namumula na yung pisngi ko. Siya pa ata ang nakakita sa katawan ko. Hindi pa nga nakita ni mommy yon eh. Tska ng mga exes ko. Siya palang yon. Tangina, alyssa! Hiyang-hiya na ako rito.

After sa seconds sa pag-ihi niya. Pagkalabas palang niya ay ngiting-ngiti na siya habang nakatitig sa katawan ko. Kaya tinakpan ko yung katawan ko.

"Stop staring at my body."Inis kong sabi sa kanya. Binato ko siya ng unan ngunit nakailag ito.

"Di lang pala mukha mo yung maganda. Pati katawan."Insulto ba yon or compliment?

"Manyak!"Sigaw ko sa kanya.

"Uy, di ako manyak, ah!? Malay ko bang di ka pa tapos diyan!?"Parang pinipigilan niyang matawa.

"Diba sinabi ko sa'yong maliligo ako?"Inis kong sambit sa kanya, "Gusto mo lang talagang makapangmanyak eh."

Siningkit niya ang kanyang mga mata, "Paano kung sabihin kong gusto ko?"Naglakad siya papunta sa akin habang ako ay unaatras.

"Don't you dare, alyssa!"Duro ko pa sa kanya.

Hindi siya nakinig sa akin, naglakad pa rin siya patungo sa akin habang ako umaatras din, "Hindi ako takot, samantha."

Patuloy lang siya sa paglakad patungo sa akin habang nakangisi. Ako naman, atras lang din ng atras. Hanggang sa wala na akong aatrasan. Siya naman, nakatayo lang sa harapan ko.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya, "Itutuloy ko 'to if we already fall for each other. But for now, I still respect you as a woman."She whispered me in my ear.

Umayos siya ng tayo at nilagpasan na niya ako para lumabas. Napabuntong-hininga naman ako. Muntik na yon. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko. Normal pa ba 'to? Hindi naman niya itutuloy yung plano niyang yon if ever. Obviously, she already fell for someone. Her childhood sweetheart. Kaya wag ka ng umasa sam please. Napailing nalang ako sa naisip.

(A/N: credits to the rightful owner in twitter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: credits to the rightful owner in twitter. BBS SAMANTHA to 2366 ulit. Wag puro next, sinasabi ko sa inyo!)

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now