Chapter 12

1K 28 0
                                    

Alyssa's POV

She's seriously looking at me, "So, she's the girl you're talking about?"She asked boss while she's still looking me, "Do you really think she's good? Because for me, I don't think so."

Ang yabang naman niya. Hindi lang pala mataray yung meron sa kanya pati kayabangan.

"Sam, respect our employee. This isn't the time para ilabas mo yang kamalditahan mo ngayon."Saway sa kanya ni boss, "Ako na magsosorry sa inasal ng kapatid ko, alyssa."

Do you want a real game? Then I will do that for you, "Okay lang boss. Sanay naman ako na tinatarayan ako. Pero hindi ko papalagpasin yung ginawa ng kapatid mo. Pasensyahan na po. Pero hindi po ako tumitingin sa kung anong posisyon ng tao. I want to be respected."

I saw she furrowed her eyebrow, "Really, huh?! Binastos mo na nga ako kanina. Dito ba naman sa company namin?"

"You were the one who's rude at me, ma'am samantha. Ikaw yung bumusina sa akin kanina nung napadaan ako."I formally said.

"Oh, so you guys met earlier?"Boss John pointed the two of us.

"Kaya po ako nalate dahil sa kanya. Nasira po kasi yung kotse ko, boss."Paliwanag ko kay boss.

"Small world?"Sambit naman ni boss.

"I don't think so. Umeepal kasi siya sa daan."She rolled her eyes at me, "Kaya sinong hindi bubusina dun?"

"Both of you, to my office. Let's talk about that in my office."Sabi ni boss habang tumitingin sa mga employee.

Napatingin din ako. And may mga nagbulong-bulungan. Mga chismosa talaga tong mga 'to. Walang pinipiling lugar.

"Den, 2.0!"Napalingon ako sa sinabi ni ella, "Mukhang may katapat na si den sa katarayan niya. Pero alam kong hindi siya mapapalitan sa puso mo."

"Siraulo!"Napailing ako sa kanya. Naglakad na ako papunta sa office ni boss. Baka tarayan na naman ako ng kapatid niya.

Mas nakakatakot ang kapatid niya kesa kay den, sa true lang tayo.

"So, let's talk about how you guys met."Pagsisimula ni boss.

"We didn't met, john. We just met accidentally."Sagot ni samantha. Pero john? Is she older than him?

"Dapat makitungo ka sa kanya ng mabuti, sam. Siya ang employee na ipapasama ko sa'yo."Boss John said.

Nagulantang ito sa sinabi ni boss, "What? Are you serious? I can't believe you. Bakit ba nagdedesisyon ka nalang diyan? Can I just pick an employee? Wag na tong babaeng 'to."

"As if I like to be with you."Prangka kong sabi sa kanya.

"Mas lalo na ako."She rolled her eyes again, "Sa tingin mo gusto kitang makasama? Hell no!"

"Starting tomorrow, magkasama na kayo. Alyssa, kung nasan si samantha ay dapat andun ka."— Boss John.

"John!"Inis na tawag nito kay boss, "Hindi ko need ng babysitter, so please!"

"But you need an assistant."I told her directly.

Napakunot ang noo nito, "Ikaw ba kausap ko? Wag ka ngang sumasabat."

"Sam, wether you like it or not. My decision is final."Diin pa ni boss john.

Lumabas ito ng padabog sa office ni boss john. Napatingin ako kay boss john, sumenyas lang siya na lumabas na rin ako. Pagkalabas ko ay dumiretso agad ako kila ella and michelle.

"So, ano?"It's michelle who was waiting for the news.

Napakibit-balikat lang ako, "Denden na denden nga. Yung ugali, same sila."

"OMG!"Ella pretending to be shocked, "I knew it. Pero ly, sa'kin yon ha!? Wag mo na akong agawan. May denden ka naman na eh."

"May boyfriend na si den."Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni michelle, "Humanap ka nalang ng iba, ly. Yung mas mamahalin ka pabalik at ng sobra sobra."

"Saka na ako magmamahal kapag okay na ang puso ko."Sabi ko sa kanila, "I can't love a new one if I still haven't moved on yet. Paunti-untiin ko nalang muna."

"Well, I respect."Michelle said kaya tinanguan ko nalang din ito.

"Copy paste."Singit naman ni ella kaya napatawa kami tatlo. Hay naku!

I just shook head nalang din.

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now