Chapter 4

1.1K 29 5
                                    

Alyssa's POV

Nilapitan namin ni michelle si ella pagkatapos itong pagalitan. Kung di ko lang talaga alam na hindi straight tong si ella. Baka iship ko na sila ni boss. Siya din kasi laging pinag-iinitan nito. Parang may something talaga si boss sa kanya. If it's love-hate relationship, there's a possibility na meron talaga siya in the future.

"Mukhang napapadalas, ah!?"Michelle giggles of what she said, "Tinamaan na yata si boss sa'yo."Tawang-tawa pa si michelle sa gilid ko.

"Eh, kung tamaan yata kita diyan."Pagtataray nito kay michelle, "Hindi ko siya type. Baka yung kapatid niya, pwede pa. Chicks yon eh. Tas ang ganda pa niya."

"How old our boss is?"I suddenly asked them.

"30+ or something. Or more than 30 ata."Sagot naman ni ella.

"And you are 28."Tuloy ang pang-aasar ni michelle dito, "Baka kayo pa ang magkatuluyan niyan."

"Nah, yuck!"Sabi ni ella na aakmang susuka pa, "We're not compatible."

"Ship."Michelled smirked at her.

Nakita kong kumunot ang noo ni ella sa sinabi nito, "Will you stop? Stop shipping us. Mas gusto ko pang iship mo ako dun sa kapatid niya."Napalingon naman ito sa akin, "Diba di mo pa nakita yung mataray niyang kapatid?"

Napailing ako, "Hindi ko siya naabutan eh."

"Pero bumisita yon dito nung nakaraan. Bumalik nga lang siya sa states. Wala ka kasi dito. Umabsent ka ng 1month. Eh, mabilis lang din naman siya dito sa pilipinas."Pahayag ni michelle sa akin, "Tapos, ly. Nakapasungit niya sobra! Kung nandito ka lang, for sure, pag-iinitan ka nun."

Napakunot ako ng noo, "Bakit sa'kin?"

"Paano ba naman? Lagi kang late eh. Eh, ayaw nun ng nalalate."Sagot naman ni ella kaya natigilan ako.

Anong magagawa ko? Eh, inaasikaso ko pa si denden eh kahit ayaw magpaasikaso sa akin. Ginagawa ko pa rin para sa kanya. Hay naku! Dennise Michelle Lazaro. Ikaw lang inaalagaan ko ng ganito. Tapos irereject mo lang?

"May inaalagaan pa kasing bata sa bahay, ella. Hayaan mo na, nagpapakamartyr din siya eh."Sinamaan ko ng tingin si michelle dahil sa sinabi nito.

"Umamin ka nalang kaya, ly. Wala namang mawawala diba? Since tinapos na rin ni denden yung friendship ninyo. Tska di na rin yun masyadong nagsasama sa atin (team besh)"Wika pa niya.

"Can we not talk about her again?"Inis na sambit ni michelle, "Let us talk about our boss' sister."

Napaisip pa rin ako hanggang ngayon. Ang arte naman nung kapatid ni boss kung ganun. Masama bang malate? Pero bakit parang kinakabahan ako? Baka titiklop ako agad. Unlike ella na kinakalaban pa si boss. Parang hindi si boss ang kausap niya eh.

"Anong pag-uusapan natin tungkol sa kanya?"Sambit ni ella, "Excuse me, namine ko na yon nung bumisita siya dito 'no!"

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now