Chapter 13

1K 26 0
                                    

Alyssa's POV

"Den, aalis na ako. Baka malate na naman ako eh."Paalam ko pa rito, "May bago kasi akong boss ngayon. Sobrang sungit niya like you."

When she heard that, she suddenly raised her right eyebrow at me, "Like me? So, are you saying na masungit ako?"

"Uhhh..."Shocks! Anong sasabihin ko sa kanya?

"What? Answer me."Nakapamewang pa ito while looking at me.

I shook my head, "Hindi naman. Sige na, malalate na ako eh."

Nagmamadali akong umalis para hindi na niya ako tanungin pa. Kinabahan ako dun. Grabe naman talaga bibig mo, alyssa. Bakit mo naman sinabi yon? Ugh! Di ko rin mapigilan kung anong nasa isip ko eh.

Tumingin ako sa relo ko, naku! Late na naman ako neto. Napaface palm nalang ako. Bakit ba kung kelan dumating yung kapatid ni boss ay doon pa ako nasiraan? Baka pag-initan ako nun. Just like what boss john always do to ella.

...

"Late na naman."Natatawang sabi ni ella sa akin, "You already know how strict our new boss is. Tapos nalalate ka pa rin."

"Ano pa nga ba, ella? As usual, ginagawa na naman niya yung ginagawa niya dun sa childhood sweet heart niya."— Michelle.

"Guys, please, not now."Pakiusap ko sa kanila.

"Hay naku, alyssa! Walang pinagbago."Pailing-iling na sabi ni michelle sa akin.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya, "Dumating na ba yung masungit na bagong boss natin?"

"Oo. Nasa office siya ngayon. Kanina ka pa inaantay nun. Magpapasama daw siya sa'yo."— Michelle.

"Pero  ly, lagot ka. Ang tagal mo raw. Nagkasalubong na mga kilay nun."Pananakot sa akin ni ella.

"Shut up."Inis kong sambit sa kanya.

"Puntahan mo. Galit nga yung mukha niya habang tinatanong niya kami kung nasan ka eh."Michelle said.

"Sige, puntahan ko lang."Tinanguan lang nila ako after.

Dapat ba akong matakot? Hindi naman pala nakakatakot yung babaeng yon eh. I proved that yesterday. But I felt like, maybe because andito pa si boss john. Hays! Bahala na nga. Lord, help me.

Nang makarating ako sa harap ng office niya ay kumatok muna ako bago pumasok.

"Pasok!"Sigaw niya kaya pumasok na ako. She's looking at me right now, "Bakit ngayon ka lang? I hate late people, you know that. Cause I know your friends already tell you about it."

"Pasensya na ma'am samantha. Ang dami ko pa kasing ginagawa sa bahay eh."I formally answered.

"Mas importante pa ba yon kesa sa trabaho mo? Hindi dahil pinapalagpas ni john yun ay kailangan mo ng gawin din yan sa akin."Ang strikta nga niya. And boss john was right all along. Ayaw nga niya ng mga nalalate.

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now