Chapter 33

1.1K 40 12
                                    

Alyssa's POV

Pagkagising na pagkagising ko ay naligo muna ako bago kumain. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Den is waiting for me to eat? I don't know. She's smiling while looking at me.

"Ly, kumain ka na."Yaya nito sa'kin.

Napailing ako, "Hindi na. Sa trabaho nalang ako kakain. Nagmamadali din kasi ako eh."

"Kumain ka lang kahit konti."Nanatili itong nakangiti sa akin.

"Sa trabaho na nga ako kakain. Baka pag-initan na naman ako ng boss ko."Medyo inis kong sabi sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung imention ko ba siya o hindi.

"Pero sabayan mo kong kumain mamayang gabi, ah!?"Hindi ba siya makaramdam? Umiiwas na nga din ako sa kanya eh kasi baka masaktan na naman ako, "May sasabihin lang ako sa'yo."

"Titignan ko kung makakauwi ako ng maaga."Seryosong kong sabi sa kanya, "Alis na ako."

...

Sinalubong agad ako nung dalawang tukmol pagkarating ko sa office.

"Kwento."Sambit ni ella sa'kin.  Chismosa talaga.

"Wala."Mabilis kong sabi sa kanya, "Wala kayong makukuha sa'kin."

Naglakad na ako papunta sa pwesto ko. Sumunod naman agad silang dalawa.

"Aly, anyare sa palawan?"Tanong naman ni michelle. Isa pa 'to! "Ang init na naman ng ulo ni ma'am samantha. Although, mainit na naman talaga ulo niya lagi. Pero iba ang pagkainit ng ulo niya ngayon."

"Baka meron lang."Singit ni ella.

Wow! Siya pa tong mainit ang ulo, ah!? Hindi ba dapat ako? She rejected me!

Napakibit-balikat lang ako, "Hindi ko alam. Siya tanungin niyo."

"Luh, bakit kami? Ikaw nalang magtanong."Inirapan ko ni si ella sa sinabi niya.

"Kayo tong curious diba?"Inis kong sambit sa kanila, "Edi kayo nag magtanong."

Nagkatinginan pa si michelle at ella sa inasal ko.

"Bakit ang sungit mo ngayon?"Gulat na tanong ni michelle sa akin, "Meron ka din ata eh."

Napakunot ang noo kong nakatingin sa kanilang dalawa, "Pwede bang tantanan niyo muna ako?"Napatingin ako sa table ko na may papel, "Ano 'to?"

"Papirmahan mo raw yan kay ma'am samantha."Sagot ni ella.

"Hindi ba pwedeng kayo nalang? Wala akong panahon makipag-initan ng ulo sa boss natin."I directly told them.

"Eh, ikaw ang inassign eh."— Ella.

"Kelan ko siya papapirmahan?"Kalmado kong tanong sa kanila.

"Ngayon."Kalmado ding sagot ni michelle.

Napabuntong-hininga muna ako bago ko kinuha yung papel para ipapirma ko sa boss namin. Pagkarating ko sa labas ng office ay as usual, kumatok muna ako bago pumasok.

Pagkapasok ko ng office ay iniabot ko na agad sa kanya ang papel ng hindi ko siya tinitignan.

"Ano 'to?"She asked. Kahit di ko siya tignan ay ramdam ko na agad ang lalim ng kanyang tingin.

"Papipirmahan daw."Pormal kong sagot, "Hindi mo ba nakikita? Basahin mo kaya."

"Hindi pwedeng magtanong?"Mataray niyang sambit. Oh, hala, sige! Nagsusungitan kami rito.

"Basahin mo nalang."Walang expression na sabi ko sa kanya.

Binasa naman niya ito, pagkatapos ay piniramahan na niya. I didn't look at her and ganun din siya sa'kin while signing it. But I don't give a damn. Nasaktan din ako.

Binigay na niya sa akin ang papel na pinirmahan niya, "Wala na ba?"

"Wala na. Aalis na ako."Bago pa ako makalabas ay pinigilan niya.

"Ah, ly? About yesterday..."Napatayo ito.

"Let's forget it."Kalmado kong sabi sa kanya, "Let's just stay as an employee and a boss."

"Let's be friends."She said.

"Your my boss and I'm your employee. We can't be friends."Kayanin mo 'to, alyssa! Alam kong marupok eh. Wag kang papayag na friends lang kayo.

"I'm sorry for what happened yesterday. I didn't mean to kiss you."She softly said.

Humarap naman ako sa kanya, "Can we pretend that we don't know each other kahit boss kita? I want us to avoid each other. And wag mo na rin akong isama sa mga lakad mo."

"Ly..."She's looking at me right now as if she's begging me not to do it.

"I'm tired of the people who can't love me back."Diretso kong sabi sa kanya, "Aalis na ako. May kailangan pa akong gawin."Hindi ko na siya pinagsalita. Dire-diretso akong lumabas sa office niya.

(A/N: sobrang naaappreciate ko yung readers ko. Pero please lang, give me time din minsan. Wag masyadong magmadali. Kasi hindi sa lahat ng oras ay nahahawakan ko ang phone ko. Hinihiram ito minsan ng papa ko kaya di ko siya masyadong nahahawakan. Ayan, sana makapag-antay naman kayo kahit konti lang. Masakit din sa kamay yung ginagawa ko ngayon. But still, thank you for reading this. I really appreciate it. Kahit trip-trip ko lang 'to nung una. I've never expect na may magbabasa sa sinulat ko kahig pangit)

Living with my Mortal Enemy (samlyden)Where stories live. Discover now