Chapter 19
Marcus' POV
Kagigisin ko lang habang yung kasama ko ayun tulog. Ewan ko ba kung san ba nag lulusot to at hindi ko siya makita kagabe. Pagkatapos kase kumain umalis uli.
Gisingin ko na kaya to?
"Thea, gising na. Kain na tayong breakfast." Sabi ko habang marahan ko siyang tinatapik tapik.
Mukhang masarap ang tulog niya pero bakit ganun? Mukhang namumugto ang mga mata niya.
Dati ko pa pinapangarap na gumising kada umaga na siya agad ang makikita.
Kelan ka ba mapapasakin uli? Mangyayari pa kaya yun?
"Thea, uy gising na." Kahit kelan talaga tulog mantika to.
"Urgh. Bakit? Good Morning." Sabi niya habang minumulat ang mga mata niya.
"Kain na tayo. Kakain ba tayo sa baba o dito na lang sa taas?" Umupo siya bigla
"Pwede bang dito na lang? Nahihilo kasi ako. Penge akong kape please?" Nilapit ko yung mukha ko sakanya na ikinagulat naman niya.
"Uy! Ano bang ginagawa mo?"
"Uminom ka no?" Napakamot naman siya sa ulo niya.
Tsk. Bakit nanaman ba to uminom?
"Eh konti lang naman"
"Bat ka uminom?" Baliw talaga to.
"Basta it's complicated." Hindi ko na lang siya kinulit at hinayaan ko na siyang magpahinga.
Pinagtimpla ko siya ng kape at ininom niya yun.
"Marcus, thank you ha?" Sabi niya sakin.
"Wala yun"
"After nating kumain pwede ba tayong maglibot?"
"Sige ba." Kumain na kami at pinauna ko na siyang maligo habang ako naghahanap ng matinong t-shirt.
"KYAAAAAAAAAH" rinig kong sigaw ni Thea what the hell?! Anong nangyari?!
Dali dali akong tumakbo papunta sa CR bute hindi nakalock!
"THEA?! Bakit?! Anong nangyare?! okay ka lang b-- oh fvck sorry!" Sabay sarado ko ng pintuan ng banyo at takbo palabas.
What the fck talaga. Ang epic! Bakit ba kase kailangan niyang sumigaw?!
Malay ko bang ipis lang yun?!
-----
Thea's POV"What the hell? Bakit ba kase ako tumili! Ikaw ha, ikaw na ipis ka I hate you!" Pano ba naman kase wala pa akong T-shirt T.T
Nakakahiya! Nakita niya akong naka bra!
Ayoko nang lumabas nakakahiya talaga :(
"Ayan tuloy! Pano ako lalabas niyan! Dat kase pinatapos mo na lang akong magbihis bago ka nagpakita. Huhuhuhu!"
Okay inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Pipihitin ko na yung doorknob. Kainin mo na lang ako lupa! Sobrang kahihiyan to.
Sumilip muna ako sa pinto at nakita kong nakahiga si Marcus at namumula siya!
"Marcus, sorry na. May ipis kase." Bumangon siya at hindi siya makatingin sakin ng diretso.
"Sorry rin, akala ko kase kung ano nang nangyare sayo."
"Ah! Basta! Kalimutan mo na okay?" Mukhang natawa naman siya.

BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus