Chapter 27
Thea's POV
"MARCUS!!" Inis na sigaw ko sakanya habang siya tuwang tuwang sa ginagawa niya.
Andito kami ngayon sa kwarto ko habang siya kinikiliti yung paa ko, nalaman niya kasing malakas kiliti ko don.
Ayan tuloy inaaway ako! :(
"I love you!" Paglalambing niya at humiga sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin kase kanina pa siya, inis na inis na ako. Nakailang saway na kaya ako!
"Uy, wag ka nang mapikon." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Sorry." Niyakap ko na lang rin siya pabalik.
Nakakainis naman! Bakit hindi ko matiis itong baliw na 'to? Parang hindi ko kakayanin ang isang araw na hindi ko siya makikita.
Hay, I'm so inlove with this guy.
"Ano na kaya tayo five years from now?" Tanong niya sakin habang kahilig yung ulo ko sa dibdib niya.
"Panigurado nakatali na ako sayo." Sabi ko sakanya, nag aayos narin kase kami ng kasal namin.
Ang galing ni Destiny no? Ikakasal na ako lalaking mahal ko months from now.
"Siguro may anak na tayo nun." Natawa naman ako sakanya at tumingin sa mga mata niya.
"Ilang baby ba gusto mo?" Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki.
"Basketball team tas gusto ko may cheerleaders." Hinampas ko naman siya habang siya tawa ng tawa.
"Hindi ko kaya yun no! Mga dalawa hanggang tatlo lang no! May Ana pa tayo, baka mag selos ang panganay natin pag marami sila." Niyakap niya ako ng mas mahigpit, ansarap nung ganito. Yung kayo lang naglalambingan iniisip kung anong manyayari sa future niyo.
"Sige na nga kung anong gusto ng asawa ko." Okay... Kinilig ako dun sa asawa ko! :')
"Dapat pag ganun, tumigil ka na sa pagtratrabaho mo. Ako na lang magtratrabaho para sayo at sa mga anak natin. Ayokong napapagod ka." He intertwined our hands yung may higpit na hindi na ako makakawala.
"I'll see, kawawa naman si Mama at Papa sa company no." Hinalikan niya ako sa labi pero smack lang!
"Gawan na natin ng kapatid si Ana?" Pilyong sabi niya sakin nginitian ko naman siya.
"Tara?" Natawa na lang kaming dalawa sa ka lokohan namin pero lagi naman naming napag uusapan na magpapakasal muna kami bago bumuo ng pamilya.
Mahirap na no! Mamaya mang babae pa siya eh. Sabi ko nga sakanya pag ginawa niya yun puputulin ko lahat ng pwedeng putulin sakanya!
Ilang oras rin kaming nag kwentuhan at nag kulitan ni Marcus. Nakakatuwa lang na may plano na kami para sa future namin at ng mga magiging anak namin.
Naniniwala akong magiging mabuting ama siya, napaka swerte ko talaga sakanya.
"Thea, alis tayo ngayon." Pag aaya niya sakin habang nakaupo sa kama ko.
"Saan naman?"
"Secret! Basta uuwi muna ako, tas magbihis ka na babalikan kita after one hour okay?" Tumango naman ako at umalis na siya.
San nanan kaya kami pupunta nung lalakin yun? Secret secret pa eh. Napaka pasaway talaga.
Naligo na ako, at naghanap ng isusuot ko. Pagkatapos blinobliwer ko yung buhok ko para matuyo agad ng dumating si Marcus.
Bakit ang gwapo niya parin kahit naka black pants at plain white t-shirt lang siya?
"Alam kong gwapo ako, wag mokong tunawin!" Pagmamayabang niya sakin.
"Kapal mo!" Tinuloy ko ang pag bloblower ko at ng matapos kami bumaba na kami.
"Ayos ah, naging mag fiance lang hindi na mapaghiwalay?" Natatawang asar samin ni Charm na nandito nanaman sabahay namin.
"Che! Inuubos mo nanaman pagkain namin dito! Kaya ka tumataba eh."
"Hindi no! Wala kong kasama sa bahay kaya ako nandito no, fyi I'm not fat!" Sabay irap niya at tumayo na siya habang dala dala yung isang mangkok na naglalaman ng fruit salad.
"Pataba pa more Charmaine!" Sigaw ni Marcus at isang malakas na "che!" Lang naman ang natanggap niya kay Charmaine.
Nakalabas na kami at nakita ko ang kotse niya na nakaparada sa labas.
"San ba talaga tayo pupunta?"
"Secret nga." Sumakay na lang ako habang siya nag drive na.
San ba ako dadalhin ng lalaking 'to?
-----------
Marcus' POV
Nakatulog si Thea sa sobrang haba ng byahe. Oo, malayo itong pinuntahan namin.
"Thea, gising na." Marahan ko siyang tinapik tapik at nagising naman siya agad.
"Asan tayo" hindi ako umimik at inalalayan ko na lang siya pababa, pupungas pungas parin kase siya.
"Oh my gosh." Narealize na niya kung asan kami kaya naman natahimik lang siya.
Umupo kami sa tapat ng puntod niya. "Pumunta na ako dito kahapon para linisan to."
"Hi Hero. Kamusta ka na?" Naging malaking parete ng buhay ni Althea si Hero, siya yung unang lalaking minahal niya kaya malaki ang respeto ko sakanya.
At masasabi kong nabuo si Thea ng dahil sakanya. Hindi siya magiging matapang kung wala si Hero. Nagpapasalamat ako sakanya na inalagaan niya si Thea at minahal ng buong buo.
"Alam kong masaya ka na diyan." Nagsimula nang pumatak ang mga luha niya, pero hahayaan ko lang siya para mabawasan yung bigat sa puso niya.
"Hero, ito na... Nagmahal na ako uli, ito yung gusto mo diba? Nahanap ko na siya at sigurado akong siya na yung una at huling lalaking ipapakilala ko sayo. Thank you Hero ha? Kase hinayaan mokong makita yung isa ko pang hero. Pero tatandaan mo, ikaw parin ang first love ko." Hinawakan niya yung nga kamay ko at pinunasan yung luha ko.
"I promise to make her happy everyday. I'll protect her, just like what you did, I'll do anything to protect her bro." Natawa naman si Thea sa pagtawag ko ng bro sa first love niya.
"I know na marami kayong plano, pero hindi natuloy kase nawala ka na nga. I promise na I won't leave her. At gagawin ko ang lahat para mafulfill yung promises mo. Thank you for taking good care of her when I was on my road looking for love, and it was her. Maybe that's why you didn't end up together. Because she's mine and I won't do anything stupid to lose her. That's why I'm here thanking you and promising that I will love her for the rest of my life." Nilabas ko sa bulsa ko yung bracelet na hinabol ko sa fountain nung mga bata pa kami.
Kinuha ko ung kamay niya at hinalikan ito, sinuot ko yun sakanya at ngumiti sakanya. "Sign of my promises kay Hero."
"Ayan Hero ha, nakita mo kung gaano ako kaswerte sakanya. Siguro naman masaya ka na. Tyaka pag nagloko siya multuhin mo ha?" Natawa naman ako sa kapilyahan niya at hinalikan ko siya sa labi niya ng biglang humangin ng malakas.
"Tingnan mo, boto talaga sakin si Hero? May blessings na niya tayo. Pwedeng pwede na kitang pakasalan."
"Pero pag nagloko ka talaga antayin mo siya sa kwarto mo." Natawa na lang kaming dalawa sa kalokohan namin.
Nagtagal kaming dalawa dun kase nag handa ako ng picnic para sakanya.
Puro kwentuhan lang ang ginawa namin. Wala na akong mahihingi pa basta kasama ko siya.
Sana nga lang wala nang manggulo samin.
-------
MusicLover06
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
JugendliteraturJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus