Chapter 8
"You may now unfasten your seatbelts. Please remain seated until you are assisted by ourflight attendants." Unti unti akong nagising at nakita ko si Dale na inayos ang kanyang Headset.
"Thank you for flying with us. You may now get your carry-on luggage from the overhead luggage racks. Welcome to the Philippines!" Masiglang sabi noong voice over. Kinuha na nga ni Dale yung Bag ko sa Luggage racks at tumingin siya sakin.
"Are you ready?" Nakangiting tanong niya sakin.
"Ofcourse I am." Sagot ko sakanya at bumaba na kaming eroplano.
After 6 long years, I never thought na makakabalik pa ako dito. Kahit papano naging okay na ako hindi na ganun kasakit... Pero hindi ko paring maiwasan na hindi maalala si Ana. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung kamusta na ba siya, kung naging maayos ba yung buhay niya...
"Anong iniisip mo?" Nakangiting tanong ni Dale sakin.
"Nothing. Andiyan na ba yung susundo satin?" Tanong ko sakanya alam ko kase driver nila ang susundo samin. May bahay rin kase sila dito ang kaso nga lang madalang siyang mabahayan kase nga nasa ibang bansa sila at sobrang dalang nilang umuwi.
"Yes, Andiyan na siya bagong driver lang daw yun sabi ni Papa eh. So halika na para makapagpahinga ka na."
"Sa bahay muna tayo pumunta ha? Papakilala muna kita kay Mama." Nakita kong medyo nagulat pero ngumiti rin siya. Sumakay na kami sa kotse nila.
Hindi ko rin maintindihan si Dale ewan ko ba mukhang hindi siya mapakali.
"Kuya liko ka lang po diyan tapos yung pangalawang bahay." Sabi ko sa Driver nila.
"Sige po maam." Mabilis naman ito nakarating sa bahay namin.
Parang ganun parin walang nag bago ito parin ung bahay na kinalakihan ko 6 years ago... Nabago lang siguro ung pwesto ng mga upuan sa garden pati yung mga halaman iba na.
"Kinakabahan ka no?" Sabiko kay Dale.
"Bat naman ako kakabahan ha?" Sabi niya sakin habang hinahawakan ang kamay ko. Bumaba kaming dalawa sa sasakyan at nag patulong para ibaba ang ibang maleta na nasa likod ng sasakyan. Ng maibaba nila ito Nag doorbell na ako.

BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus