Chapter 16
Dale's POV
"Daleeeeeeee!" Sabay yakap niya sakin palikod. Back hug kumbaga,kakarating niya lang dito sa condo ko at mukhang masayang masaya siya.
"Nag punta kaming mall ngayon! We went to Forever 21 then I bought some dresses! I saw a open back laced dress Ireally liked it pero Marcus Said It was ugly. Kaya ayun hindi ko siya binili." Tuloy tuloy yung kwento niya sakin habang ako nakaupo lang sa dulo ng kama ko at siya nakayakap sa likod ko. hindi niya man lang ako kinamusta o ano? Marcus agad?
"After that we ate, then pumunta kaming Timezone! Tapos nakipag deal ako kay Marcus! Eh sakto natalo ko siya kaya ayun! Binili niya yung open back laced dress ko! Look oh!" Sabi niya habang umalis siya sa pagkakayakap sakin at kinuha yung dress niya sa Paper bag niya.
Pumunta siya sa harapan ko at pinakita iyon. Kumunot naman yung noo at tumingin sakin ng masama.
"Hey? May kausap ba ako? Bat hindi mo ko pinapansin?" Sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Kailangan ba talaga tuwing mag kikita tayo si Marcus yung bukambibig mo?" Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko, Pero wala kong pake kailangan ko tong sabihin sakanya kase nasasaktan rin ako... Alam kong tanga ako, Pero marunong ring masaktan ang mga tanga. At minsan kailangan mo rin pumalag para mabawasan yung pagkatanga mo.
"Pero nag kwekwento lang naman ako--" Pinutol ko yung sinasabi nya at tumingin ako sakanya
"Oo nga, nag kwekwento ka nga lang. Kinukwento mo lang naman si Marcus. Si Marcus na dating mahal mo, si Marcus na dahilan ng depression mo sa states, si Marcus na dahilan ng mga luha mo, Si Marcus na mas nauna mong mahalin kaysa sakin."
"Oo nag kwekwento ka nga LANG naman. Hindi ko alam kung Insensitive ka lang ba talaga sa nararamdaman ko o mahal mo pa talaga yang si Marcus eh. Pag punta ko sainyo Marcus. Nung nasa Orphanage kayo gamit mong phone kay Marcus. Nung nag aya ka sa Perya si Marcus yung kasama mo. Yung damit mo si Marcus parin yung bumili. PUTANGINA NAMAN ALTHEA! ANONG GUSTO MONG ISIPIN KO?!" Napatayo na ako sa Inis. Grabe hindi ko na kaya putangina! Selos na selos na ako!
"Wala ka naman dapat ikaselos eh. Ikaw naman yung boyfriend ko diba? Ano bang problema dun? Magkaibigan kami! And I think there's nothing wrong to hangout with him!" Sigaw niya sakin, Ngayon lang kami nag away ng ganto. Sa Ilang taong relasyon naamin ngayong lang nangyari to. Pag nag aaway kami date maayos na usapan lang... Pero anongnangyayare ngayon? Pareho kaming inis.
"YUN NGA EH! AKO YUNG BOYFRIEND MO! PERO AKO TONG HINDI MO KASAMA! MAS MASAYA BA SIYANG KASAMA SAKIN HA?! KAYA NAMAN KITANG SAMAHAN SA PERYA EH, KAYA KITANG BILAN NG DAMIT. KAYA KITANG SAMAHAN MAMIMIGAY NG REGALO SA ORPHANGE! KAYA KONG GAWIN LAHAT NG GINAGAWA NIYA! ANO BA?!"
"Ako yung nandiyan para sayo nung wala siya... Wala siya sa tabi mo.Ako yung nandun. Pero bakit ganun? Nagkita lang kayo, wala nanaman ba ko sayo? Balewala nanaman ba ko? Wala nanaman ba akong pwesto sa buhay mo? Kaya kong gawin lahat ng ginagawa niya sayo... Pero bakit sakanya mo pinapagawa? Bakit hindi sakin? Samantalang ako tong boyfriend mo at dapat lang na sakin mo ipagawa yung mga bagay na yun. Fuck!" Tahimik lang siya doon habang ako nararamdaman kong may mga namumuong luha na sa mga mata ko. Ganto siguro pag mahal mo yung isang tao. Kahit alam mong ang sakit sakit na... Hindi mo siya magawang iwan. Mahal na mahal kita Althea.
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kaya kong gawin kahit ano pa yan, basta para sayo. Hindi kita iiwan, kahit segusegundo mo pa ako kasama. Wag ka lang maagaw ng iba.
"Hindi naman kase ganun yun Dale. Mahal kita. Pwede ba? Wala ka bang tiwala sakin?"
"Okay lang naman kaseng ikwento mo siya sakin eh. Pero putangina nung nakita ko kayo kanina sa labas ng condo na magkayakap? Kung paano ko nakita yung mga ngiti mo walang halong pagsisinungaling? Sobrang sincere ng ngiti mo habang kasama mo siya. Hindi pa kita nakikitang ngumiti ng ganun... Iba pala yung nakikita mo yung taong mahal mo na kayakap yung dating taong mahal niya. Ang sakit pala." Papasok ako ng condo kanina ng makita ko sila. Kakababa lang ni Althea nun at bago pumasok dito si Thea niyakap niya muna si Marcus. Alam kong mababaw na bagay lang yun pero para sakin hindi yun mababaw. Parang napuno na ako sa mga kwento niya. Ilang araw na puro Marcus.
"Friendly hug lang naman yun Dale. Hindi yun big deal!"
"Ewan ko ba Althea... Hindi ko alam kung ano ba talaga. Akala ko mga babae lang nakakaramdam ng ganto. Kahit pala lalake ka pwede kang masaktan. Alam kong mukha akong bading ngayon kase umiiyak ako. Pero para sabihin ko sayo... Itong mga luhang to? TAnda yan kung gaano kita kamahal."
"Wala ka bang tiwala sakin?" Ulit niya sa tanong niya.
"Sayo meron... Pero sa nararamdaman mo wala" Gusto ko nang mag pahinga pagod na ako, Kailangan siguro namin ng Space...
"Eto yung susi ng kotse ko... Mabuti pa sigurong umuwi ka na lang muna. Ayokong mag alala kaya gamitin mo na." Kinuha naman niya yun at humalik siya sa pisngi ko. Umiiyak na rin siya pero khit masakit kailangan niyang malaman to.
"Mag usap na lang tayo pag alam mo na kung sino talaga yung mahal mo."
Huling sabi ko sakanya at humiga na ako sa kama ko habang siya umalis na. Kung sakaling hindi man ako yun, Ipaglalaban kita.
-----------------
Wews sorry short ud muna guys! Lame ba? Sorry! Love you all! Comment and vote please! Mwa :*
~MusicLover06
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus