Destined To Be With You ; 10

196 7 4
                                    

Chapter 10

Dennis' POV

"Pero ilang taon ako nag intay. Bakit ganun lang yung nangyare? Wala lang ba talaga ako sakanya?" Sabi ni Marcus at kinuha ang isang shot glass ng tequilla.

"Tama na Marcus tigilan mo na, Mag usap na lang kayong dalawa pag may pagkakataon." Sabi naman ni Eddie. 

Dalawang Linggo na ang nakakalipas simula noong matapos ang kasal ni Eddie at Yanyan, simula non wala na lagi nang lutang ito si Marcus. Pag-ibig nga naman.

"Oo nga pare, Lasing ka na. Hindi ka namin maiuuwi pag nalasing ka." Sabi ko sakanya paano puro hard liquors ang iniinom niya puro tequilla.

"Mahal na mahal ko parin siya eh. Inintay ko siya pero ano? Babalik siya dito ng may kasamang ibang lalaki." Kitang kita sakanya na nasasaktan na siya alam namin kung anong pinag daanan niya noong nawala si Althea. "Akala ko kase pag balik niya maguusap kami mag papaliwanag kami sa isat isa tapos magiging kami uli mag sisimula kami ng panibago. Pero Tangina lang talaga paano ko na magagawa yun kung hindi siya akin? Iba na nag mamayari sakanya... Kung saakin lang siya hindi ko na siya pakakawalan pa." 

Nakita naming may mga tumutulo nang luha sa mga mata niya naiintindihan namin siya dahil ako kung malaman kong mapupunta pa si Elise sa ibang lalaki hindi ko rin kakayanin at alam kong ganun rin si Eddie kay Yanyan. Kaya alam namin na mahirap yung pinag dadaanan ni Marcus ngayon. 

Nag expect kase siya ng Sobra... 

Kahit naman kami akala namin ganun yung mangyayare... Pero minsan talaga naiiba ang anggulo ang storya. Akala mo yun na  yung mangyayare pero maiiba pa pala. Hindi kase pwedeng diretso lang lagi eh hindi pwedeng puro saya lang pero ang masama dito kay Marcus at Althea dirediretso na yung lungkot na pinag dadaanan nila. 

Hindi man namin alam kung bakit ba siya nag hanap ng iba, naniniwala kame na may dahilan rin si Thea. Masyado na siyang nahirapan sa mga pangyayari noon. 

Alam ong masiyahin kaming tatlo at uro kalokohan ang alam namin, pero sa ganitong panahon ito yung panahon na susuportahan namin ang bawat isa at yun ang ginagawa namin ngayon kay Marcus kailangan niya kami. Nararamdaman rin namin yung sakit na nararamdaman niya alam kong ang baklang pakinggan pero anong magagawa namin? Nagmamahalrin kaming mga lalake at pag iniyakan namin ang isang babae... Matakot na kayo dahil sobrang sakit talaga.

"Dennis, Tinetext na ako ni Yanyan pano yang si Marcus?" Sabi ni Eddie

"Nagpaalam ka ba kay Yanyan?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman!" Sagot niya

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon