Dedicated sayo! :* Alam mo ba natouch talaga ako? kase akala ko wala nang nag aantay ng Update tapos meron Pala thankyou :**
Marcus POV
"Sir ito na po yung Schedule niyo may meeting po kayo next week." Nilapag ng secretary ko yung folder sa lamesa ko.
"Sige salamat Grace." Naalala niyo pa ba si Grace? Siya yung nagdala samin ni Thea sa jail booth nung Valentine's Day sa school. Nakakatuwa lang kase nakita ko siya uli. Alam kong matalino siyang bata, kaya kinuha ko kaagad siya sa kumpanya. Hindi pa rin niya kami nakakalimutan, sa totoo nga niyan lagi nga niya kong kinukulit kung asan na daw ba si Thea ngayon dahil fan daw talaga sila nung kaibigan niya sa aming dalawa.
Madaming nangyari sa anim na taon na lumipas.Oo, nagkahiwalay nga ang barkada nung college kami, dahil iba't-ibang University ang napasukan namin, pero hindi pa rin nawala ang bonding namin sa isa't-isa. Nagkita pa rin kami paminsan-minsan pag may pagkakataon, konting kwentuhan, tawanan, biruan, asaran. Pero aaminin ko na hindi na tulad nung dati na High School pa lang kami. Nakakapanibago.Pero eto, matapos ang lahat, nakapagtapos rin kami sa wakas.
Si Elise? May sarili na siyang clothing line pinaghirapan niya talaga yun at konting tulong lang hiningi niya samin halos lahat siya ang gumastos. Nakakatuwa lang yang kapatid ko na yan, dahil kung dati ay sobrang childish niya ay natuto na rin siyang magmature kahit papano. Nagawa na niyang magDesisyon basta ang alam niya tama, pero tinutulungan pa rin namin siya kapag kailangan niya. Pero kita niyo, nakakapagManage na siya ng sarili niyang negosyo. Alam niyo na, mana yata sa kuya. Hahaha!
Si Dennis? Akalain niyo nga naman yung lokong un? Sa totoo lang namroblema pa ang buong barkada dahil sa kanya, pano ba naman kasi gumawa ng kalokohan at muntik na siyang ipaExpel. Pero siyempre, nagSanib pwersa kaming lahat para magmakaawa na bigyan pa siya ng second chance. Deserve naman nating lahat ng ganun diba? Buti na lang at nagTino na siya mula noon. At hindi kayo makakapaniwala na ang isang tulad ni Dennis ay magiging Architect pala. Sa totoo lang tuwing magkikita kami mukha na siyang marangal na tao hindi mo aakalaing napaka maloko niya at hindi mo iisipin na siraulo siya pero wala paring nagbabago sakanya nag mukha lang siyang marangal at yun lang yun. XD
Silang dalawa? Si Dennis at Elise? Oo naging sila. 3 years na nga sila eh akalain niyo yun?Ang aso at pusang laging nag-aaway at nag-pipikunan dati na kulang na lang ay isumpa ang isa't isa, ayan masyadong sweet yung tipong mapapatay ko na si Dennis dahil ayaw na niyang lumayo kay Elise. Sa totoo lang halos hindi mo ma sila mapaghiwalay sa tuwing magkasama sila. Natalo pa ata nila ang Lovers in Paris eh, dahil sabi nila ang pagmamahalan nila walang kaparis. Hahaha yuck ang corny! Parang ako lang dati nung 30 days deal... Hayy, nakakamiss talaga. Atleast, masaya naman silang dalawa, kahit may trabaho sila, hindi sila nawawalan ng oras para sa isa't-isa. Nakakatampo lang minsan kasi wala nang oras para sakin si Elise eh. Selos si Kuya. Hahaha!
Si Eddie? Ayun masaya narin siya. Siya na ang may hawak ng company nila. Mukhang nakahanap na rin siya ng babaeng para sa kanya talaga, yung mamahalin siya ng higit pa sa kaibigan, at nakaMove on na rin siya kay Thea. Dahil sila ni Yanyan? Ang alam ko sila na, at magkatulong na silang dalawa sa pagHandle ng business ng family ni Eddie. Hindi naman naging madali bago naging sila eh, alam niyo naman sigurong habulin ng babae ang bespren kong yan. Madaming naging gusot sa pagitan nilang dalawa, pero ang dulo, sila pa rin talaga.
Masaya na rin ang pamilya ngayon ni Yanyan, dahil mas nagiging maayos na ang turing sa kanya ng stepmother niya. Sabi kasi ng ate niya ay wag daw siyang sumuko, at magpakita na lang daw siya ng pagmamahal. Ginawa naman niya yun at hindi siya nagrereklamo kaya eto, natutunan na rin siyang patawarin at mahalin ng 'nanay' niya. Ang nakakatuwa pa diyan, tinatawag na rin siya nitong anak ngayon at maayos na sila.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus