Destined To Be With You ; 25

104 7 2
                                    

Before reading my update please pagtuunan niyo muna to ng pansin. Few chapters left guys! Mga 5 chapters na lang siguro, tapos na ang dtbwy. First comment kada update ko idededic ko sakanya ang update!

Pag nabigyan na kita ng dedic ung second comment kukunin ko! Thank you guys! Now enjoy reading! Silent readers comment na! :*

Chapter 25

Dinala ko si Thea sa unit ko, at agad agad akong bumalik sa kwarto nila.

"PUTANGINA NAMAN! Umalis ka nga diyan." Hinila ko yung Diane na ito at tinulak palayo kay Marcus.

Gusto kong magalit dito sa hayop na lalaking ito, pero ang gago lasing pala kaya pinagsasamantalahan nitong baliw na ito.

"Alam mo, baliw ka. Shame on you. Seriously? You're doing this for love? Binababoy mo ang sarili mo." Hinagis ko sakanya ang kumot na nasa kama.

Ang laswa niyang tingnan, halos ibigay na niya lahat kay Marcus. Mali, binibigay na pala niya.

Napangisi siya bigla at tumayo sinuot niya ang bestida niyang nakalapag sa sahig. "Gago ka ba? Hindi ba dapat masaya ka? Sa kabaliwan kong ito, nakikinabang ka rin." Kung hindi lang babae ito nasapak ko na to.

"Kung mahal mo itong ungas na ito, palayain mo. Wag mong angkinin. Hindi siya sayo." Nginitian niya ako ng nakakaloko.

"Alam mo, wala sa bokabularyo ko ang pag papalaya. Pag gusto ko, nakukuha ko." Ghad she's insane!

"Dapat hinayaan mo na lang kami! Edi sana hindi na maagaw sayo si Althea!"

"Pinalaya ko na siya." Sinampal niya ako.

"Bobo ka. Nag patalo ka!" Sigaw niya sakin.

"Sa gantong laro, dapat hindi ka nagpapatalo! Alam mo sa ginawa mong yan pati mga plano ko masisira!" Sabi niya habang dinuduro ako.

"You have to win her back!"

"At bakit ko gagawin yun? Hindi niya ako mahal. Si Marcus ang mahal niya. Naiintindihan mo ba? At si Marcus Mahal niya si Thea. Kaya ikaw, lumugar ka." Totoo naman hindi ba? Nag mamahalan sila. Kaya dapat hayaan natin sila.

Mas pinili kong huwag maging hadlang sakanila, dahil alam kong mas sasaya sila sa piling ng isa't-isa.

"Alam mo, ang tanga tanga mo. Asa iyo na pinakawalan mo pa. Ano naman kung mahal nila ang isa't-isa? Tayo rin naman ha. Nagmamahal lang rin tayo." Nakikita ko ang mga luhang nangingilid sa nga mata niya.

"May karapatan rin tayong masuklian yung pagmamahal na binibigay natin, kaya dapat mag tulungan tayong makuha sila."

Hindi ko alam kung maawa ba ako sakanya o maiirita eh. Baliw na nga ata talaga itong babaeng ito.

"Dahil nagmamahal rin tayo, hindi lang sila. Hindi pwedeng kaligayahan nila lagi. Dapat tayo rin masaya."

"Hindi kase ganun yon, nagmamahal tayo ng mga maling tao. Naiintindihan mo ba? Hindi nila tayo kayang mahalin, dahil mahal nila ang isa't-isa. Hindi natin mababago yun." Pagpapaliwanag ko sakanya ngumisi naman siya at umiling.

"Hindi mo alam ang mga ginawa ko para sa lalaking yan. Halos paikutin ko ang buhay ko sakanya. Kaya ako gumigising araw araw kase alam ko darating yung araw na gigising ako kada umaga na siya ang makikita ko sa tabi ko." Fck naman to. Pantasya lang niya ginawa na niyang asawa, she really needs a psychiatrist-_-

"College pa lang siya na ang mahal ko. At tinatak ko na sa isip ko na siya na hanggang dulo. Kung ikaw sinuko mo na si Thea, ako hinding hindi ko siya isusuko." I don't fucking know how to explain to her that there's no such thing as Diane and Marcus.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon