Destined To Be With You ; 6

155 6 1
                                    

Chapter 6

Dale's POV

Nandito ako sa kumpanya ngayon. Nakahanap na ako ng free time, Balak ko kase na sabihin kay Althea ngayon yung tungkol sa Invitation. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung magagalit ba siya o ano.

Hindi niyo alam kung bakit ganito ako katakot. Sa anim na taong lumipas hindi yun naging madali sakanya.

Naging maayos sila ng Papa niya pero siya naging magulo ang mga bagay bagay sakanya. Mahirap intindihin pero yun lang ang alam ko nung una na nandito siya para huminga para makalimot sa mga bagay na nangyare doon at higit sa lahat para makalimutan na niya yung lalaking minahal siya at minahal niya rin, sa ka dahilanan na hindi siya para dito at hindi siya para sakanya. Naalala ko pa nun nung mga panahon na kinkaibigan ko palang siya yung panahon na sobrang depressed na maski pag aaral niya napapabayaan na niya. Pero noon palang sinabe ko na sakanya na ako ang bahala sakanya dahil ako lang naman ang may kilala sakanya dito dahil nga kay tito, ako lang rin ang inaasahan niyang titingin kay Thea dahil magkasama kami sa iisang school habang siya nag tratrabaho. Hindi naging madali ang unang taon niya dito marami pa siyang dapat I-adjust at marami siyang dapat pang kasanayan. Pero yung mga bagay na nangyari hindi nya malimot iniiyakan niya palagi. Alam ko yun dahil sakanila ako nakatira nung mga panahong yun. Dahil nasa ibang bansa ang Dad ko nun at ibinilin ako kay tito dahil wala akong kasama sa bahay at dahil malungkot nga daw ang anak niya skin niya ito pinatingin tingin dahil baka daw kung anong gawin ni Thea.

Ang sabi ni Tito malayo daw ito sa Thea na nakilala niya yung Thea kase noon masiyahin kahit may problema at palaban. Pero yung nangyayare noong panahon na yun tulala siya lagi, ngumingti pero pilit nakikipag usap pero isang tanong isang sagot. Ganun siya madalas. Ang layo sa Thea noon hindi ba? Kaya alalang alala na si Tito sakanya. Kaya pinabantayan siya sakin noong una nahihirapan ako dahil ayaw niya ng binubuntutan siya at ayaw na ayaw niyang binabantayan siya sbi nga niya 'Hindi ako bata para bantayan mo at higit sa lahat hindi ka aso para habul habulin ako kung saan ako mag pupunta.' Oo ganyan at ako naman 'wala kong pake.' tapos siya mag wawalkout lang ng mag wawalkout nakakabaliw yang si Thea sobrang tumigas yung ulo niya. Napaka sungit pa lagi. Pero ako nakikita ko yung sakit sa mata niya at yung bawat pag iyak niya sa kwarto niya yung mga hikbing naririnig ko nararamdaman kong sobra sobra yung sakit na nadarama niya at ako iintindihin ko siya kase alam ko sa sarili kong kailangan niya ng kaibigan.

Flashback

Sinabi sakin ng Daddy ko na uuwi rito si Tito Albert at ang Anak niya dahil bukod sa nag ka ayos na sila inalok siya ni Tito Albert na dito na lang daw mag aral dahil siya na ang hahawak sa kumpanya nila pagka graduate nito ng college, tutulong tulong na lang daw si Tito. Bilang isa sa malapit na tao sakanya excited akong makita si Tito dahil hindi lang sila close ng ama ko, close rin kami. Kaya abala ako, Gusto ko rin kasing makilala ang anak niya dahil balita ko mabait daw ito. Nakatayo lang ako dito inaantay sila.

Makalipas ang labing limang minuto nakita ko na silang parating. Hila hila nila ang mga maleta nila wala parin masyadong nagbago kay tito parang ganun parin siya simula noong umalis siya dito. Habang papalapit siya nakita ko yung anak niya. Mahaba ang buhok nito at maputi kahit naka salamin siya alam ko nanamang maganda siya halata narin naman. Napalingon si Tito Albert sa gawi ko kaya naman kumaway ako sakanya at bigka naman siyang napangiti dahil nakita na niya ako, nakita kong papunta na sila sa gawi ko excited si Tito Albert habang yung anak niya parang wala lang sumusunod lang sakanya. Wala siguro sa wisyo.

"Derrick!" Sabi sakin ni Tito ng makalapit na siya sabay tapik sa balikat ko.

"Hello po Tito! Pinasundo po kayo sakin ni Daddy wala daw ho kaseng susundo sakanya at namiss ko kayo eh!" Sabay akbay ko naman sakanya habang siya natawa.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon