Destined To Be With You ; 2

171 9 5
                                    

Chapter 2

Elise POV

"Uyyy gising na, Sexy ko gising na pleaseeeee?" Sabi nung yumuyugyog sakin.

"Hmmmmm. Ayaw pa pagod ako masakit pa rin ulo ko." Sabay takip ko ng unan.

"Pag hindi ka gumising diyan magpapaka kissing monster ako." Automatic na nagising naman ako at naupo nasisiraan nanaman ng bait to.

"Dennis naman eh nakakaasar ka. *pout* Nilalagnat nga ako tas ayaw mo akong patulugin? bakit ba ansakit ng ulo ko." Hilong hilo pa ako sa totoo lang.

Nag leave ako for 3 days kase sobrang pagod na ako sa Trabaho madalas akong Overtime kaya ayan bumigay rin ang sexy kong katawan. chos.

"Ayun nga po Kailangan nang kumain ng Kumander ko kase kailangan na niyang uminom ng gamot okay?"  Napatingin ako sa orasan anong oras na pala.

"Eh bat ka ba andito? May pasok ka diba?" Pagtatanong ko sakanya may pasok kase to ngayon eh sa pagkaka alam ko.

"Umabsent po kase ako. Hindi ka naman kase umuwi kila Marcus diba? kaya alam kong andito yung mahal ko sa condo niya. Alam ko ring walang mag aalaga sayo dito kaya nag decide akong wag nang pumasok. Pasaway ka kase kita mo kung hindi ako pumunta dito, edi tulog ka pa edi nalaktawan mo pa pag inom mo ng gamot edi tataas nanaman yang lagnat mo."

"Awww ang sweet naman Dennis ko. Thank you ha?" Sabay yakap ko sakanya.

"Oo naman kainin mo na tong porridge oh para makainom ka na ng gamot." Sabi niya Sabay kuha nung tray at nilagay sa kama ko

"Ikaw ba nag luto niyan?" Sabay hiwalay ko sa yakap at tingin sakanya.

"Syempre ako pa ba Elise? Sa pogi kong to. Syempre masarap yan. Ayan ha since medyo tanghali na Hindi na breakfast in bed."

"Eh ano na tawag diyan?" Natatawang tanong ko.

"Edi porridge in bed HAHAHA"

"Whatever Dennis kakain na ako." Hahawakan ko na sana yung kutsara pero tinapik niya yung kamay ko.

"No." Kumunot noo ko "Sabe mo kumain na ako tas sasabihan mo ako ng no?" Ngumiti siya sakin "Ako kase mag susubo sayo Prinsesa ko." Automatically namula ako <3

"Eh bat ang sweet mo ngayon baboy ko?"

"Masama bang pag silbihan ang prinsesa ko?"

Hay nako wag na kayong magtaka sa 6 years na yan, iba na kami. Hindi na ako ganun ka Immature nag mature rin ako guys. Si Dennis naman loko loko parin pero nabawasan. Pero alam niyo ba wala nang mas tatamis samen?

Simula nung naging kami madalas na ganto sweet lang tas laging magka dikit and such. Wag na rin kayong magtaka kung pano yan nakapasok dito sa condo ko may lajing akyat bahay yan eh de joke lang may duplicate yan guys. Hindi rin naman nagagalit si Mama at Papa kase may tiwala naman daw sila samin ni Dennis.

Nakakaloko lang kung ano ano kase tinatawag sakin niyan eh. Prinsesa, Baby, Mahal ko pero sexy talaga tawag niyan sakin <3 Tapos baboy ko siya <3 Oh diba. May mas gagamda pa ba sa tawagan namin? Hahahaha Malakas trip namin eh >:)

"Nako naman oh." Sinubuan nga niya ko hanggang sa maubos ko yung porridge na niluto niya. Kumuha siya ng tubig pati gamot.

"Inom ka na dali." Sabi niya ng nakangiti sakin. Kinuha ko yung baso na may tubig pati gamot ininom ko na at binigay sakanya.

"Baboy baka mapagod ka tama na." Kinuha niya yung Thermometer.

"Sexy ko tingnan lang natin temperature mo okay?" Chineck niya. "Elise 38 ano ba yan. Amina nga pupunasan kita." Sabay kuha niya nung bimpo at nung lalagyan na may tubig. "Wag na baboy ako na lang okay?" tumingin siya sakin "Ako na lang." Since hilong hilo ako wala na rin ako nagawa.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon