Chapter 24
Diane's POV
"HAHAHAHA mahal na mahal ko kase yun. Anim na taon ko yun hinintay! Tapos ano? May iba na pala pag balik." Ngumisi siya at nagsalin uli ng alak sa shot glass niya.
Halatang may tama na ang lalaking to. Napaka gulo ng lugar na ito... Takbuhan ng mga taong sawi o kung hindi naman ng mga taong may iba't ibang problema sa buhay.
Nakakasulasok ang amoy ng usok ng sigarilyo dahil kahit saang sulok ng bar na ito may bumubuga non.
Panay rin ang sayawan ng mga tao dito at napalakas ng mga tugtog nila, parang mga taong pakawala kung sumayaw sa gitna. Ganto talaga rito. Kung gugustuhin mong makalimot ito ang perpektong lugar para sayo. Hindi na bago sakin ang mga bagay na ito.
Dahil noong pinagtatabuyan niya ako, ganitong lugar ang pinuntahan ko at masasabi kong dito ko nahanap ang sarili ko.
Sa tulong ng nga taong nakilala ko rito, nawala yung nakakaduling na malapad kong salamin. Naging maayos ako, nawala yung nerd na ako.
Pinilit kong magbago para sakanya. Hindi ko palalampasin itong pagkakataon na mapapasakin siya.
Antagal tagal kong hinintay to.
Kanina pa kami nandito sa mini bar na malapit sa hotel na tinutuluyan namin. At kanina parin inom ng inom si Marcus. Nakakailang bote na siya ng alak pero hinahayaan ko lang siya. Bahala siyang malasing.
Napaka tanga nung babaeng yun para ipagpalit si Marcus. Oo gwapo yung lalaking pinangpalit niya kay Marcus pero walang tatalo sa kagwapuhan nitong lalaking to.
Okay narin na sumama siya dun Atleast akin na si Marcus.
At nakakasiguro ako na hindi matatapos ang gabing to ng hindi siya napapasakin. Akin siya. Akin lang at walang makakapag pabago nun bumalik man yang Althea na yan sa buhay niya. Basta sa huli kaming dalawa.
"Kalimutan mo na kase siya, andito naman ako diba? Ako, handa akong mahslin ka. Kaya kong ibigay sayo lahat. Lahat ng pangangailangan mo." Mas lumapit ako sakanya at halatang may tama na siya.
"Mahal na mahal kita Thea." Sabi niya. Nag iinit ang ulo ko tuwing naririnig ko yung pangalan nung babaeng yun. Gusto ko siyang sampalin at sabunutan! Ano bang nakita niya dun sa babaeng yun na wala ako?! Di hamak na mas maganda ako at mas sexy dun sa punyaterang yun!
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Sinunggamban ko na siya agad ng halik.
Kung hindi ka mapapasakin... Sisiguraduhin kong mapipilitan kang samahan ako habang buhay.
Tinugon niya ang mga halik ko at lasang lasa ko ang tequilla na ininom niya. "Althea" bulong niya sa pagitan ng mga halik namin. Sooner or later, Diane na ang babanggitin mo baby.
Kase akin ka lang. Akin lang.
Lumaki akong nakukuha lahat ng gusto ko. At sisiguraduhin kong pati ikaw mapapasakin.
"Uwi na tayo baby?" Sabi ko sakanya habang hinahaplos ang dibdib niya. Mukhang wala lang naman sakanya dahil nakapikit na siya dahil sa sobrang pagka lasing.
"Akin ka lang Marcus, sakin ka lang. Lahat ng aagaw sayo hindi ko sasantuhin... Kahit pumatay pa ako"
-------
Dale's POV"Ano pang hinihintay mo?" Niyakap ko siya ng mahigpit panigurado hindi ko na to magagawa uli.
"Puntahan mo na siya, sumugal ka uli. Kung yun lang ang paraan para sumaya ka uli. Sumugal ka na Thea." Ito na siguro ang pinaka tangang bagay na nasabi ko buong buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/9690278-288-k796584.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Novela JuvenilJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus