Destined To Be With You ; 23

90 6 1
                                    

Chapter 23

Thea's POV

Dinala niya ako sa isang lugar kung saan may naka set-up na dinner para saming dalawa.

Halatang pinaghandaan niya ito, Simple lang pero sobrang ganda kase kita yung view ng dagat dito.

"Nagustuhan mo ba?"masayang tanong niya sakin habang ipinaghihila ako ng upuan. Umupo naman ako doon at umupo siya sa katapat kong upuan.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinakabahan ako ramdam na ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko parang kakawala ito sa katawan ko at tatakbo sa totoong nag mamay ari nito.

"Are you alright?" Tanong niya sakin. Binigyan ko siya ng isang marahan na ngiti para masigurado sakanyang ayos lang ako.

"Ayos lang ako, kelan ka pa nakabalik?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Noong isang araw lang. Tapos pinagplanuhan ko na to lahat." Mukahang masayang masaya siya sa mga ginawa niya ngayong araw na ito. Hindi maikakaila yun dahil sa ganda ng mga ngiti niya.

"Thank you." Yun lang ang nasabi ko sakanya. Lahat naman ng ginagawa niya, napapasaya ako.

Sabi ko nga sainyo, siya lang ang meron ako sa mga taong lumipas. Pero sa totoo lang napapaisip ako hanggang ngayon.

Ano bang nagawa ko para mahalin niya ako ng ganto?

Puro 'Thank you' lang naman ang naibabalik ko sakanya. Nakakakonsensya.

"Hon, bat ka ba lutang na lutang ka nakakatawa ka." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko na naka patong sa lamesa.

Oo lutang na lutang nga ang isip ko andami daming gumugulo dito. Lalo na itong lalaking nasa harapan ko.

"Ano ka ba hindi ako lutang no. Natutuwa lang ako kase ang effort mo." Sabi ko sakanya lumipat siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Anything for you hon" bulong niya sa pagitan ng yakap namin. Ayoko ng gantong niyayakap niya ako, naiiyak ako.

Parang gusto kong bumalik kami sa panahon na tinataboy ko siya dahil sa pag sunod niya sakin date o kaya sa panahon na magkaibigan palang kami na wala akong ginawa kung hindi umiyak at mag sumbong sakanya.

"Hon, grabe ka naman makayakap ganyan ka ba maka miss?" Sabi niya habang ngumingisi sa balikat ko.

"Hindi kita namiss no! Ang pangit mo talaga." Sabi ko sakanya nagbiro na lang ako para mapigilan ang mga nagbabadyang luha na tutulo sa mga mata ko. Andami kong pagkukulang sa lalaking to. Natawa na lang siya at mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Ang sarap talaga ng nga yakap mo. Kaya mas lalong ayaw na kitang pakawalan eh." Bumitaw na ako sa yakap niya at pinunasan ang luha ko.

"Bat ka ba umiiyak? Sorry kung sumama yung loob mo sakin. Wag ka nang umiyak hon." Pinunasan niya ang mga luha ko. Yan ka eh no? Tagapunas ng luha ko.

"Naalala mo ba nung naging tayo? Nakakatawa no? Para isang malaking dream come true sakin yon." Tumayo siya at tumayo rin ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang balkonahe.

Pareho kaming tumingin sa dagat. Sobrang peaceful puro alon lang ang narinig ko ang sarap sa tenga para bang nakakaginhawa ng utak.

Hinapit niya ang bewang ko "Akala ko talaga hindi ko magagawa itong mga bagay ito. Ang yakapin ka, halikan, maipakita sayo kung gaano kita kamahal. Kase dati puro siya yung bukambibig mo. Bute narinig ko rin sayo yung I love you Dale."

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon