Chapter 28
Marcus' POV
Ngayong araw na ito, masasabi kong ako na ang pinaka masayang lalaki sa mundo. Para ngang daig ko pa ang nanalo sa lotto eh.
The long wait is over.
Today, we will start our road to forever. Together, as husband and wife. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko tuwing naiisip ko siya. Ano kayang itsura niya?
Paniguradong kahit sinong babae pa ang itabi mo sakanya siya ang pinaka maganda sa lahat.
Madami dami na rin ang tao dito sa simbahan. Green ang motif namin ni Althea hindi dahil sa paborito namin ito kung hindi dahil sa maganda ang color scheme nito at nakaka kalma.
Nandito na yung mga ninong at ninang namin sa kasal syempre mga magulang yan ng tropa. Sino pa ba ang pagkakatiwalaan ko kung hindi sila.
Si Eddie ang best man ko dahil naging saksi siya sa pagmamahalan namin at syempre dahil bestfriend ko siya.
"Tol! Mukhang araw na ng pagkaka kulong mo ha!" Salubong sakin ni Dennis at inakbayan ako.
"Hindi naman ako natatakot. I'll be the best husband ever." Nakangiti kong sagot habang nakatingin sa pinto ng simbahan dahil patuloy lang ang pagdating ng mga bisita.
"That's the spirit lover boy!" Singit naman ni Eddie na abot langit ang ngiti. Alam kong masaya sila para sakin.
Nandito na si Mama, Papa at Elise pati si Tita Thania,Ana at Tito Albert ay nandito na. Siya na lang talaga ang kulang.
Grabe miss na miss ko na siya. Tatlong araw kaming Hindi nagkita at hanggang text lang pano ba naman kase itong mga nanay namin naniniwala parin sa pamahiin.
Nakita ko narin si Yanyan pati si Grace na assistant ko ngayon kilig na kilig parin siya samin at palagi niyang sinasabi na hindi daw siya nagkamaling umasang magkakabalikan kami.
------
Lumipas na ang kalahating oras pero wala parin si Althea dapat kanina pa kami nagsimula. Hindi ko mapigilang kabahan dahil wala pa siya.
Pero bakit naman hindi niya ako sisiputin? Wala naman akong naalalang nag away kami.
Hindi ko na napigilang bumaba muna sa altar at puntahan sila Tita Thania.
"Tita, nasan na po ba si Althea? Nag aalala na po ako." Halata rin sa mukha niya ang pag aalala ngunit pilit niya itong tinatago sa akin mas lalo tuloy akong kinabahan.
"Anak wag kang mag alala baka natraffic lang iyon." Pagpapakalma niya sakin kahit alam kong hindi na rin siya mapakali.
"Yung make up artist niya nandito na ba?" Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Clara.
"Clara asan na si Althea?" Tumingin siya sakin na nagtataka.
"Kanina pa po kami umalis sir akala ko hindi pa kumpleto ang bisita kaya hindi pa nagsisimula! My goodness asan na siya?!" Parang sinusuntok yung dibdib ko sa sobrang kaba. Tangina talaga.
Thea nasan ka na ba? Sana nga mali itong nataramdaman ko at traffic lang kaya wala ka pa dito.
--
Thea's POV
'I'll see you later baby, our forever starts today. I miss you so bad napaka naman kasi nila sa pamahiin :( tandaan mo na lang lagi na mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay. See you later beautiful can't wait to spend the rest of my life with you'
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Ficção AdolescenteJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus