Chapter 20
Marcus' POV
Matapos ang pag uusap naming yun hindi ko alam kung anong nangyare pero parang naging awkward kami sa isat-isa.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng sinabi niya. Naiisip ko talaga baka nag iilusyon lang ako nun.
Pero hindi, narinig ko lahat ng sinabi niya. Naintindihan ko bawat salitang binitawan niya. Pero bakit?
Habang buhay na lang ba akong magtatanong?
Naguguluhan ako sakanya. Kung mahal mo kasi ako Althea sabihin mo na. Hindi yung kung ano-ano sinasabi mo pero sa huli hindi sagot ang nakukuha ko, tanong ang naiiwan sakin.
Sana pala hindi na lang niya sinabi sakin yung mga bagay na yon, sana hindi ako nalilito ngayon. Para bang mababaliw na ako sa kakaisip.
Para kong naglalaro ng isang bagay na walang premyo.
Minsan naiisip kong sumuko na.
Pero tuwing naalala ko kung gaano ko kamahal yung babaeng yun. Parang gusto kong sabihin sakanya na "Sige saktan mo pa ako, kahit naman anong gawin mo ikaw lang naman ang laman nitong puso ko."
Para bang ang sarap sabihin na hindi ako titigil na mahalin siya.
Sabi nila madali daw sumuko, madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na kung masyadong maraming naibahagi sayo ang taong iyon.
Yung tipong sakanya umikot yung mundo kahit na nawala siya ng anim na taon. Siya parin yung mundo ko hanggang ngayon.
Ang problema nga lang, kung siya ang mundo ko ano ako sakanya?
Isang hamak na alala na lang mula pa sa masakit niyang nakaraan.
"Hi, Marcus. You look sad? What happened?" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Diane! Anong ginagawa niya dito?!
"Anong ginagawa mo dito?! Napaka stalker mo naman!" Bastos na kung bastos eh totoo naman psh.
"Grabe ka naman! Pwede bang kalimutan na natin yung mga kabaliwan ko date? Simulan natin sa pagiging friends. Friends?" Sabay alok niya ng kamay niya sakin.
Noong una nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba ito. Pero friends lang naman diba? Wala naman sigurong masama at mukha naman siyang sincere.
"Friends." Sabi ko sabay shake sa kamay niya napangiti naman siya dun ng sobra ang creepy talaga! Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko!
"Gusto mo ng smoothie? My treat since we're friends nanaman" nandito kase kame sa isang stall. Nakakahiya pala ako! Kanina pa ako nandito pero wala pa pala akong binibili.
"Ikaw bahala." Sabi ko sakanya at umorder naman siya.
"Ay by the way, I'm not stalking you no! I'm with my cousin, treat niya lang to sakin. Eh sakto habang naglalakad ako kanina namukhaan kita tas parang ang lalim ng iniisip mo, so I decided na lapitan ka." She said while smiling okay naman pala siyang kausap pag hindi siya obsessed.
"Ah okay. Thank you nga pala dito." Pertaining to her treat na kakaserve lang samin she took a sip to her smoothie then talked to me.
"Welcome. What are you thinking about ba? Ang lalim ng iniisip mo eh hindi ko mareach HAHAHA"
"Wala yun ano ka ba."
"Is this about the Althea girl?" Napatingin naman ako nun sakanya.
"Pano mo naman nalaman yun?" Takang tanong ko sakanya
"Diba nga patay na patay ako sayo before? Eh naka mive on na ako ngayon HAHAHA syempre pinagtanong ko. Tas nalaman ko yung story niyo. Akala ko nga hindi na babalik yun eh at mapapasakin ka na. HAHAHA pero dati yun okay? Friends na tayo."

BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Novela JuvenilJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus