Destined To Be With You ; 21

138 6 3
                                    

Chapter 21

Marcus' POV

Nagtataka nanaman ako sa ikinikilos ni Althea ngayon. Hindi ko alam kung naintimidate ba siya dito kay Diane kaya siya nag kaka-gaganun? O mahal niya pa ako?

Minsan nararamdaman kong mahal niya parin ako dahil sa mga ikinikilos niya at dahil doon sa nakaraan naming pag-uusap.

Pero ayokong paasahin ang sarili ko. Kada kasi lapapit siya naalala ko si Dale, alam kong nasa isang relasyon sila. At kahit gustuhin ko man yung mga ikinikilos niya gaya na lang ng pagiging possesive niya sakin nung naglaro ang barkada.

Meron parin parte na nagsasabing mali yung matuwa ako dahil hindi naman siya sakin.

Ano nanaman bang ginagawa mo sa mundo ko Althea Clarice V. Hernandez?

Pano ko ba aalis yung putanginang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing nakikita o makakasama kita?

Ang hirap. Ang sakit. Pero umaasa na lang ako sa tadhana.

Umaasang sakin ka niya tinadhana.

Bullsht ang corny! Pero hindi porket na lalaki ka wala kang karapatang magpahayag ng tunay na nararamdaman mo.

Kahit minsan na parang wala lang ang mga bagay bagay samin hindi ibig sabihin nun na hindi kami nasasaktan.

Tao rin kami, nasasaktan at napapagod.

Pano na tayo Althea pag napagod ako?

Mauuwi na lang ba ang lahat sa wala? Matatapos na lang ba ang storya natin na hindi ako ang Prince Charming mo?

Hindi ko yata kaya.

"KUYA NAMAN NAPAKA BINGI MO!" Naudlot ang pag iisip ko ng makita ko si Elise na inis na inis sa tabi ko. At nakita ko ang barkada na nakatingin sakin.

"Bat ka ba naninigaw?, ang lapit ko lang oh. Magkatapat lang tayo." Aburidong tanong ko sakanya.

"Urgh! Ewan ko sayo!" Sigaw ng kapatid ko sakin nakakahiya talaga tong batang to napaka ingay kahit kailan kahit restaurant hindi pinatawad. Tsss.

"Pare, kanina ka pa kase tulala at kanina ka pa tinatawag ni Elise. Nagalit tuloy ang sexy ko." Sabay akbay niya sa nagtatampong Elise.

"Ano ba kaseng problema pare?" Tanong ni Eddie

"Wala sorry." Paumanhin ko sakanila.

"Baka may gusto ka pang kainin Marcus? Sabihin mo lang ioorder pa kita." Sabi ni Yanyan at umiling na lang ako.

"Marcus, hindi mo pa ginagalaw yung food mo." Sabi ni Diane na ngting ngiti sa tabi ko habang lumalapit sakin. "Gusto mo ba ipaghimay kita ng fish? Para hindi ka na mahirapan." Napansin ko ang pag irap ng kapatid ko. Siguro naiinis na siya rito pero para saan? Magkaibigan nanaman kami.

"Hindi, kaya ko na." Nginitian niya na lang ako habang napatIngin naman ako dito sa katabi ko. Tahimik na kumakain si Althea, samantalang kanina kulang na lang supalpalin niya si Diane kada may sasabihin.

Naka two piece parin siya, pero nagpatong naman siya ng see through.

Siguro kung kami parin hindi ko siya hahayaang mag suot ng ganyan. Alam kong masyado nang sexy sa babae ang pag two-two piece, pero yung style na sinuot niya pasexy pa lalo.

Nakakainis, pano kase halos lahat ng mga lalaki tumitingin kada dadaan siya. Kaya nga kahit anong hila sakin nitong ni Diane si Althea ang dinidikitan ko, mahirap ma baka mabastos pa to.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon