Destined To Be With you ; 22

84 7 4
                                    

Chapter 22

Thea's POV

Magaling na ako, pano inalagaan ako ng mabuti ni Marcus. Sa totoo nga lang hindi naman kami naging awkward sa isat-isa kahit na yun nga yung kiss.

Argh! Ayoko nang maalala yun siguro dahil lang yun sa taas ng lagnat ko.

Basta ang alam ko kaninang umaga ipinagluto niya ako ng almusal. Mukhang maganda nga ang gising niya dahil nakangiti siya hanggang ngayon, at nakakatuwang hindi naalis ang mga ngiting yun.

"Thea, may masakit pa ba sayo?" Tanong niya sa akin habang iniintay namin yung banana split na inirder namin nasa isang stall kasi kami ngayon.

"Wala nanaman, thank you ng marami ha." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Wag ka munang mag swiswimming ha? Baka mabinat ka." Pag aalala niya tumango naman ako at nakita namin si Elise na papalapit samin.

"Waaaah! Banana split! Penge ako!" Sabi niya at kinuha ang kutsara ng kuya niya at sumubo ng banana split na kakaserve lang at mukhang sarap na sarap siya.

"Tsss nauna ka pang kumain sa may ari!" Sabi ni Marcus natawa na lang ako sakanila.

"Manyarap kaya! Ashaka ang lamigsh!" Natawa na lang ako kay Elise andami niya kasing sinubo kaya siguro nalamigan ng todo! Hahahaha!

Andami rin pinagdaanan ng magkapatid na ito. Nakakatuwa lang na natanggap nila yung mga pagkakamali sa pamilya nila. Ang sarap nilang panoorin na para bang sa nag daan na mga taon, ayan na sila magkasundo at hindi ininda ang ilang taon nilang pagkawalay sa isat-isa.

Naalala ko tuloy si Papa, yung Papa nila na bestfriend ng mama ko na tumayo rin na ama ko. Saludo ako sakanya dahil sa lahat ng nangyari nagawa niyang maging maayos ang lahat pati ang relasyon nila ni Tita Margaret.

Nakaka miss sila, sana umuwi rin sila dahil masyado silang busy sa trabaho nila.

"Ate Thea! Tingnan mo yung inaayos na stage na yun oh!" Napatingin naman ako sa tinuturo niya. May mga lalaking nag aayos ng stage.

"Anong meron mamaya?" Tanong ko sakanila

"Every thursday night daw kase may tumurugtog daw na mga banda dito ewan ko lang kung sino tutugtog ngayon." Sagot naman ni Marcus

"Nood tayong lahat mamaya!" Sabi ni Elise naexcite naman ako bihira na kasi ako makanood ng ganun!

"Sige nood tayo mamaya, pero hinay hinay lang Thea baka mabinat ka" sabi ni Marcus tumango naman ako sa sinabi niya.

Umalis na si Elise at niyaya ko si Marcus na maglibot muna.

"Anong plano mo pagbalik sa Maynila?" Tanong ko sakanya.

"Siguro tatapusin ko yung mga naiwan kong trabaho." Sagot niya sakin.

"Hindi ka ba napapagod kakatrabaho?" Parang puro trabaho kase ginagawa niya.

"Nakakapagod, pero kailangan kase. Alam mo na wala namang ibang aasahan si Papa."

Kung pwede nga lang wag nang matapos itong bakasyon na to. Sobrang peaceful kase, sana ganito lagi.

Pagbalik ko dun alam ko g dapat ko nang ayusin lahat ng bagay bagay sa pagitan naming dalawa ni Dale.

Ewan ko ba nahihirapan na ako. Hindi ko parin alam kung ano ba talaga yung gusto ko.

"Tara na muna sa hotel room inaantok kase ako. Para pag gising ko nood na lang tayo!" Excited kong sabi pumayag naman siya.

Kaya bunalik na kami sa hotel room namin at natulog ako.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon