Destined To Be With You ; 29

52 4 3
                                    

Chapter 29

"Papatayin na po ba natin siya?" Narinig kong tanong ng isang lalaki. Sobrang sakit ng ulo ko at nanghihina ako. Hindi ko alam Kung pano ko ikikilos ang katawan ko.

Nararamdaman kong nakatali ako, ang mga paa at kamay ko. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang pagtakas rito. Nakarinig ako ng isang nakaka kilabot na tawa na para bang tuwang tuwa siya sa mga pinag gagagawa niya sakin.

"Nag papatawa ka ba? Papatayin ko lang? Tapos ano? Ganon ganon lang yon? Napaka walang sense naman ng pagdala ko sakanya rito. Hindi ako kuntetong mamatay lang siya. Ang gusto ko mamatay siya sa pagpapahirap ko." At muli narinig ko ang nakakakilabot niyang pagtawa. Parang ayokong idilat ang mga mata ko dahil alam ko na sa pag dilat kong iyon. Maari niya akong tapusin agad.

Hindi ko mapigilang maiyak dahil ngayong araw na ito ang kasal namin. Yung wedding na pinakakaantay namin. Bakit niya ba to ginagawa? Ganun ba siya kabaliw kay Marcus para umabot ang lahat sa ganto?

Galit na galit ako. Gusto kong kumawala dito at kalbuhin siya. Pero alam kong hindi ko yung kayang gawin yun ngayon. Nanghihina ako at hindi ko alam kung paano ba ako makakatas sa impyerno na ito.

"Mukhang gising na ata ang Prinsesa ni Marcus ha?" Nakarinig ako ng yabag ng sapatos at unti unti kong inimulat ang mga mata ko.

Nang lumapit siya akin binigyan niya ako ng isang ngising sinasabing 'oh ano ka ngayon?' Yung titig niya para bang wala siyang sinasanto isa siya maliwanag na halimbawa ng isang demonyo.

"Iiyak ka na lang? Akala ko ba matapang ka? Eh wala ka pala eh!" Nakuyom ko ang palad ko sa likod ko dahil sa sobrang pagkagalit. "Hindi ka ba magsasalita ha?!"

"Ano bang kailangan mo?" Matapang kong sagot dapat hindi ko ipakita sakanyang nasisindak ako. "Nandito na ako, ano na? Akala ko ba papatayin mo ako? Bakit hindi mo pa ginagawa?" Nginitian ko siya ng matamis kahit takot na takot ako.

"Ang tagal naman naiinip na ako sa katapusan ko." Mukhang nanggalaiti siya sa pagsagot ko kaya binigyan niya ako ng isang matalas na tingin.

"You never fail to annoy me bitch." Hinawakan niya ng napaka higpit ang mga pisngi ko at aaminin ko konti na lang mapapangiwi na ako sa sakit. "This time I'll win, hindi man sa puso niya pero sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya." Ngumiti siya at binitawan ako. Fck ang sakit.

Marcus asan ka na ba?

Kailangang kailangan ko siya gusto kong umiyak sa yakap niya. Dahil nawawala lahat ng takot ko. Pero pano to ngayon? Wala siya... At ang tanging bagay na dapat kong gawin ay maging matapang. Para makapag pakasal kami dahil magkakaroon pa kami ng pamilya at tatanda pa kaming dalawa kasama ang mga apo namin.

Hindi ako matatapos dito lang. May mga taong naghihintay sakin.

"Kahit mamatay ako, hinding hindi ka mananalo. Kamumuhian ka niya!" Singhal ko sakanya. Kung mamamatay man ako ngayon ayos lang basta napanindigan kong mahal ko si Marcus. Na akin siya na kahit mamatay ako, talo parin tong babaeng to. Alam kong hahanapin niya ako.

Nakita ko ang sobrang galit sa mga mata niya. Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ito. Naiiyak na ako sa sakit.

"Tangina mo!!! Maayos kami nung wala kang babae ka! Ginulo mo kami!" Sinisigawan niya ako ng malakas sa mukha ko at kitang kita kong gusto niya akong saktan.

"WALANG KAYO! Naiintindihan mo ba! Walang kayo!" Singhal ko sakanya panalik bigla niyang hinigit lalo ang buhok ko at binitawan ito. Tangina talaga pag ako nakawala dito.

Destined To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon