Chapter 9
I'm at the end of the aisle waiting for my Queen. Hindi ko akalain na aabot kaming dalawa sa araw na to. Aaminin ko nung una hindi ako sigurado sa kahihinatnan ng relasyon naming dalawa pero ngayon sigurado na ako...
After months of preparation, sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ito na talaga yun... Ito na talaga. Ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko at sa babaeng nag-papaikot ng mundo ko.
Bumukas ang pinto ng simbahan at pumasok na ang Wedding Entourage.
Nasa unahan si Mommy at Daddy at kasunod naman nila ang Step Mom ni Yanyan. Sayang nga lang at wala yung step sister niya. May biglang problem kase sa business nila sa ibang bansa kaya hindi siya makakadalo pero naiwan naman yung anak niya rito at alam ko siya ang ring bearer namin. Maluha-luhang nakangiti ang mga parents namin. Sabi nga nila, parang kailan lang mga bata pa kami, pero ngayon, mag-uumpisa na kaming dalawa ni Yanyan ng sarili naming pamilya.
Nakita ko sila Tita Thania at Tito Albert, buti nakauwi si Tito Albert para sa kasal namin. Kasunod naman nila si Tita Margaret at Tito Gabrielle, parang magulang na rin kasi namin yang mga yan kaya nung nagplano kami ng kasal sila talaga ang kinuha naming mga Ninong at Ninang.
Sumunod naman sa kanila ang mga secondary sponsor. Yung iba sa kanila, business partners namin, at yung iba naman, mga ka-close ng pamilya namin.
Sumunod ang Maid of Honor at ang Best Man. Sa totoo lang, nahirapan akong pumili ng best man ko pero si Dennis na rin ang nag-insist na si Marcus na lang daw dahil gusto nga daw ni Yanyan na si Thea ang Maid of Honor.
Malaki ang naging papel nila sa lovestory namin kase kung hindi nila mahal ang isa't-isa noon baka kay Thea ako napunta, at kung hindi siya pinaglaban ni Marcus hindi ko makikilala si Yanyan. Bakas naman sa mukha nila ang pagka-ilang sa isat-isa dahil maski ako nagulat ng malaman ko kanina na andito na si Althea. Sa loob ng anim na taon ngayon na lang namin siya nakita uli. Panigurado mamaya matapos ng kasal mas trending pa yang dalawang yan kesa sa amin. Pero naniniwala pa rin kami at hindi kami nawawalan ng pag-asa na sila parin at alam naming darating din sila sa ganitong chapter ng buhay nila.
Sumunod naman ang mga Bridesmaid namin na sila Elise at Charmaine. Kasabay umuwi ni Tito yan si Charmaine. Nakakatuwa lang na nag-effort talaga silang umuwi para sa amin. Si Elise? Sobrang laki ng pasasalamat namin sakanya dahil kung hindi sakanya hindi gaganda 'tong kasal namin.
Siyempre mawawala ba naman sa listahan si Dennis? Groomsmen ko sila ni Paolo, at sinundan naman sila ng Flower Girls na sila Ana at ng mga batang pinsan namin ni Yanyan. Sumunod ang Ring Bearer na si Ken na anak ng Ate ni Yanyan. Yung Coin at Bible Bearer naman mga pamangkin ko.
Sinara na ang pinto ng Simbahan at alam kong maya maya lang makikita ko na ang Babaeng pinaka mamahal ko at makakasama ko habang buhay. Sabi nila wala daw forever. Pero ako? May forever ako at alam kong si Yanyan na yun.Bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimula nang tumugtog ang wedding song namin. Everything ni Michael Buble. Bakit everything? Sa totoo nga lang, kung ako tatanungin, hindi everything ang itatawag ko kay Yanyan. Nothing ang itatawag ko sa kanya. If ever I lose everything, I still have nothing. And that's my Yanyan. Both my everything and my nothing.
![](https://img.wattpad.com/cover/9690278-288-k796584.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Novela JuvenilJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus