Chapter 18
"Thea, gising na andito na tayo." Sabi ko sakanya habang tinatapik siya. Nagising naman siya agad at bumaba na kami sa kotse.
"Wow! Ang ganda naman dito! Super peaceful!" Naglakad siya habang pinagmamasdan yung buong resort mukhang ngang manghang mangha siya sa nakikita niya. Nakakatuwa siyang panuorin.
"Asan na nga pala sila,Marcus?" Tanong niya sakin habang binababa ko yung mga maleta namin.
"Naka check in na sila eh." Tumakbo siya palapit sakin mukhang excited siya at hinila hila niya ako.
"Uy thea! Gamit natin oh, baka mawala." Sabi ko sakanya pano grabe makakaladkad! Kahit kelan talaga to.
"Tingnan mo kasi muna to!" Sa paghila niya nakarating kami sa may dagat at pinagmasdan niya yun.
"Ang saya mo talaga no?" Natatawa kong sabi sakanya.
"Nakakamiss kase, ngayon na lang ako nakaabot ng sunset..." Habang nakatingin siya sa dagat. "Ang ganda diba?"
"Oo nga, sobrang ganda. Parang ikaw." Sabay tingin ko sakanya at sakto nakatingin na rin siya sakin.
"Ha? Ano sabi mo?"
"Wala sabi ko ang sarap ng simoy ng hangin." Nakita ko siyang nakatingin sa Dagat at parang sobrang peaceful niya. Ginawa ko na lang rin yung ginagawa niya at sobrang nakaka kalma ng utak.
Kung may problema ka, mganda dito. Ito yung tipong lugar na malilimutan mo ang mga problema mo.
"Alam mo ba, sabi ko dati na ang sunset sinisymbolize niya ay bagong pag-asa. Kase after a long tiring day, you can rest na and it's over you can start a new one the next morning." Naalala ko nga sinabi na niya yun sakin dati.
"Pero ang hirap pala no? Nakakalungkot ang paglubog ng araw. Kase parang tapos na. Nung nasa states ako... Parang walang sunset kase everyday is a tiring day and sa buhay ko noon walang sunset. Hindi pala lahat ng sunset special." What is she talking about?
"Magiging special lang pala yun... Pag kasama mo yung taong mahal at importante sa buhay mo."
"So nangyare lang yung sunset pagdating ni Dale?" Tanong ko sakanya. She smiled.
"No" mabilis niyang sagot "Malalaman mong special ang sunset pag kasama mo yung taong mahal at mahalaga sayo." Oo nga si Dale naman yun diba?
"At pag masaya kang pinanonood ang sunset kasama siya." Sabay tingin niya sakin.
"Let's go na? Tapos na yung sunset eh." Kahit naguguluhan ako sa mga sinabi niya I just found myself following her para kunin yung mga gamit namin.
Thea ano ba talaga? Ginugulo mo mo nanaman yung tahimik kong mundo.
Nakapunta na kami ng hotel at tinawagan ko na agad si Eddie para bumaba.
"Uy bro! Bute nasundo mo si Thea?" Agad naman siyang nakababa buti naman.

BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Fiksi RemajaJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus