Chapter 7
"Sabi ko pupunta tayo. It's time to go home I miss mom." Paulit-ulit yang sinabi niya sa akin. Pano siya nakapag desisyon ng ganun ka bilis? Hindi na ba ganun kahirap sakanya para mag desisyon agad?
Hindi ko pa nakikilala ang Mom niya kase sabi ni Thea gusto niya daw sa personal kami magkita. I think ito na yung time para makilala ko siya. There's a lot of things in my mind. Natatakot akong bumalik siya dun. Baka may magbago.
"Bakit mo ako isasama?" Tanong ko sakanya.
"Gusto ko kase nasa tabi lang kita lagi" She smiled and tumayo siya at kiniss ako sa cheeks.
"Anong nakain ng honey ko?" Tanong ko sakanya tumawa lang siya.
"Nasobrahan na ata ako sa work Dale. I'm tired." Sabi niya at yumakap sakin
"Kumain ka na ba ng lunch?" Umiling siya, nakakainis talaga to.
"Nag promise ka sakin na hindi ka na mag papalipas."
"I know I'm sorry. Nakalimutan ko lang sa dami ng gawain. So ano kain na tayo?" Pag aaya niya sakin kaya umoo na lang ako ayoko kasing malipasan pa siya.
Thea is sweet. Very sweet, but there are times na hindi ko mabasa kung ano ba yung gusto niyang gawin o mangyare. Tulad ngayon sumagot lang siya na uuwi siya kasama ako. Para bang hindi niya naisip yung mga tao doon na naging parte ng buhay niya noon. Hindi niya ba naisip yung magiging reaksyon nila pag uwi niya doon?
Naisip ko rin... Paano yung Marcus na yun? pano kung mahal niya parin si Thea? Natatakot ako. Baka kasi sa huli ako yung mawalan. Ako yung Iwanan. Alam kong hindi ko kaya yun dahil sobrang mahal ko siya. Yung tipong handa kong gawin ang lahat para sakanya. Ayokong maagaw siya. Hindi mangyayari yun. Dahil si Thea mahal na mahal ko siya.
"Honey is not listening. Siguro ikaw na lang ang dapat kong kausapin no?" Sabi ni Thea habang nakatingin sa keychain na bear sa bag niya
"I'm sorry. May naisip lang ako." Natawa na lang siya.
"I said ano bang kakainin natin? Magpapadeliver na ako." Tanong niya.
"Kung ano gusto mo okay?" She smiled and nakita ko nag dial na siya.
Hindi matahimik ang utak ko. Parang puro pag iisip na lang ang ginagawa ko. Malapit na ba matapos ang kaligayahan ko? Sobra sobra na ba ang binigay ng diyos na panahon para makasama ko siya? oras na ba para ibalik siya sa tamang tao para sakanya?
Pero aasa ako kahit katiting na pag asa pa yan, aasahan ko. Aasa ako na ako yung tamang tao para sakanya. Nagmamahal lang ako kaya ako ganto.
Dennis' POV
"Eh bat mo ba kase inalis! Sabi ko kase dito lang yan eh! Nakakainis ka naman eh!" Sabi ni Elise habang nagpapapadyak. Nandito kami ngayon sa office niya sa clothing line. Inis na inis siya sakin dahil inalis ko daw yung isa niyang bag. Sabi sainyo Immature parin to eh.
"Edi ibalik na po natin sexy koooo." Sabi ko at nilapag ko uli yung bag niya sa table niya.
"Ayaw ko na. D na yan katulad nung kanina. Kanina magandang tingnan. Ngayon hindi na." Sabi niya habang naka crossed arms.
"Elise naman bag lang yan nilipat ko lang kase malalaglag hindi ko naman alam na sobrang importante sayo yang pwesto niyan eh." She covered her face with her hands then I heard her sobbing.
Nagtopak tapos umiyak alam ko na kung bakit nanaman to nag kakaganyan. Sobrang sensitive ngayon eh.
"Hey shhhh don't cry na. Meron ka no?" She nods. Sobrang sensitive kase nito pag ganto eh. Ewan rin daw niya kung bat daw siya ganun kaya sa sobrang liliit na bagay nagtotopak siya pag meron siya. Kahit nung date nalaman ko lang yun nung naging kame sa bahay daw kasi nagtotopak yan date. Eh nung naging kami d ko na inaallisan ng tingin yan eh lagi na akong nakabuntot parang everyday na kaya ayan nalaman ko na.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus