Hi there! Thank you sa laging pag vovote and comment! Keep supporting dtbwy, at dahil ikaw ang first comment iyo ang dedication! Thank you so much!
Enjoy reading guys :*
Chapter 26
Marcus' POV
Ugh bakit ang bigat bigat ng ulo ko? Napaupo ako sa kama at nahihirapan akong imulat ang mga mata ko. Bakit ba hilong hilo ako?
"Oh, gising ka na pala?" Nagulat ako sa boses na yun at nakita ko si Dale na nakaupo sa kama ni Althea.
"Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko sakanya, nag seselos parin ako dun sa putanginang surpresa niya kay Thea.
"Nalasing ka lang naman kagabi, at muntik na kayong gumawa ng milagro ni Diane." What?! Ano sinasabe niya?!
"Bat ka ba nandito? Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo? Napaka iresponsable mo naman. Pano kung mapano siya? Alagaan mo kase. At anong pakialam mo samin ni Diane? Wag mo kong pakialamanan. Ang dapat ginagawa mo binabantayan si Althea."
Naiinis ako sakanya. Napaka pakielamero hindi na lang bantayan si Althea. Parang gago at sa totoo lang wala akong matandaan kagabi.
"Kung ako boyfriend niya hindi ko siya aalisan ng tingin, hindi ko iiwan. Hindi tulad mo pabaya." Napangisi naman siya bigla at tumayo may kinuha siya mini kitchen.
Mukhang nang aasar ang pag mumukha niya, kung hindi ako nahihilo makikipag sapakan ako diyan sa lalaking yan! Mang aagaw.
"Alam mo, malaki na siya. Hindi ko na siya kailangan pang buntutan. Kung tutuusin nga trabaho mo yun." Naglapag ng isang tasang kape at gamot sa bedside table ko.
"Inumin mo yan para mawala hangover mo. Iinom inom mahina naman pala. Tsk bading." Gustuhin man ng tenga ko magpantig sa sinabi niya pero nalilito ako bakit ko magiging trabaho yun? Eh ano niya ba ako? Kaibigan lang...
"Ano bang gusto mong sabihin ha? Diretsuhin mo na lang ako." Sabi ko sakanya dahil konti na lang baka makipag suntukan na ako sakanya.
"Hiwalay na kami." Ano?! Fck buti naman! Tangina gago! Sabi na eh maghihiwalay rin sila!
"Ayoko mang hiwalayan siya, pero mukhang hindi ko siya mapapasaya."
"Tangina, bakit mo siya sinaktan?! Nangbabae ka bang gago ka?!" Napatayo ako bigla at nagulat sa mga sumunod niyang sinabi.
"Mahal ka pa niya. Ikaw lang makakapag pasaya sakanya." Nanaginip ba ako? Parang lumundag yung puso ko sa mga sinabi niya at panandaliang tumigil ang mundo ko.

BINABASA MO ANG
Destined To Be With You
Teen FictionJust when I thought we've found the love we've been waiting for... Destiny found a way to break us and bring us apart. Are we really meant to be? When can I say that I'm Destined To Be With You? ~Marcus