Nanginig si Carlo. Naramdaman niya ang dampi ng labi ni Kyle sa
kanyang pisngi.Kaytagal nyang inantay yun. Pagkatapos ay niyakap ni Kyle si Carlo.
isang matamis na yakap.Ilang segundo pa, ay nagbitaw ang kanilang yakapan.
Katahimikan
"Carlo...may gusto sana akong liwanagin sa 'yo," sabi ni Kyle matapos
ang nakabibinging katahimikan.Nagpatuloy na lang sa pagsasalita sa Kyle kahit hindi umiimik ang kaibigan.
"Hindi ako katulad mo...hindi ako bading..."
Sinabi iyon ni Kyle ng dahan-dahan upang hindi lumabas na insulto ito kay Karl.
"Siyempre, sana ma-gets mo na, babae parin ang habol ko sa
relationships...p're, friends lang muna tayo ah?"
dagdag pa ni Kyle, na may ngiting naglalaro sa kanyang labi."Siyempre tol..." ang nasambit ni Carlo.
"Basta, friends pa rin ah? At saka humanap ka ng babaeng mahal ka
talaga. H'wag yung tulad ni Rhian.""Oo ba, pero sa tingin ko, mahirap akong makakahanap ng kagaya
mong magaling magpaligaya ng kapwa lalaki." sagot ni Kyle.Ngumiti si Carlo.
"Siyempre, alam mo namang gagawin ko lahat, mapaligaya ka lang,"
tukso nito.Alam naman ni Carlo na imposibleng maging boyfriend
nya mismo ang bestfriend nya, pero who knows?Friends pa rin naman sila, but after graduation, lumipat ang pamilya
ni Kyle sa Cebu at madalang na lamang silang nag-uusap.Nuong una, masakit isipin na wala na si Kyle, na first love n'ya, pero
after about a month, na-realize n'yang he has to move on.At yan na nga ang first encounter ni Carlo Anthony Coles y Lim,
from the beautiful place of Quezon City.-END of CHAPTER ONE----