Pagkagising ni Carlo, tulog pa si Vince. Then he learned three things na hindi niya napansin before.
Una, may tatoo pala si Vince sa may kaliwa nitong batok.
Pangalawa, may maganda palang kinahihinatnan ang NSTP, based sa unang experience niya.
And the third and last thing he found out was:
Sobrang sarap gumising, at bumangon, lalo na kapag katabi mo ang isang lalaking tulad ni Vince.
Si Vince na malikot matulog. Si Vince na maangas, pero sweet rin naman pala. Si Vince, na nagpapakilig sa kanya everytime na magkasama sila.
Si Vince, lagi nalang si Vince.
With much difficulty, pinilit nyang bumangon at maghanda na para pumasok sa eskwela. Magaan niyang tinapik si Vince upang gisingin.
"Vince...may pasok pa tayo, Gising na"
Kumunot ng bahagya ang noo ni Vince. Pero nanatli paring nakasara ang kaniyang mga mata.
"Vince, gising! Bangon na!"
Ilang tawag pa, ay nagising narin sa wakas si Vince. Nakakunot ang mukha nito at bumangon ng pagkahirap-hirap.
Naghikab siya ng kaunti at saka nagnilay-nilay muna ng ilang sandali.
Habang inaayos ni Carlo ang unan at kumot, d niya mapigilang panoorin si Vince.
Mukha palang walang musmos si Vince kapag kakagising. Parang batang tulala lang.
Napansin rin ni Vince ang titig sa kanya ni Carlo. Napakunot uli ito.
"Bakit mo ako pinapanood? Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?"
Ngumiti nalang si Carlo. In fact, yun naman talaga ang dahilan kung bakit pinaka na-attract siya kay Vince.
Ang pagiging brusko nito, ang pagiging spontaneous at pagiging medyo bad boy.
And at the same time, pagiging sweet narin.
Naunang pumasok si Carlo. Pagkaalis niya ng bahay ay palang kakatapos palang maligo ni Vince.
That day, binalik ang long quiz nila sa Chemistry. And what do you expect, pasado siya!
In fact, mataas talaga ang score niya dahil almost half of the class failed the quiz.
Nilingon niya si Vince, na muntik nang ma-late. Mukhang passed naman ito. Somehow, narinig niya ang usapan nila Vince at Ed.
"Oy, Vince, pasado ah! Galing mangodigo!"
"Di pre, inspired lang," sabi ni Vince habang tinupi ng maayos ang papel niya at inipit sa notebook.
"Weh, inspired daw oh! Corny mo chong!"
"Inggit ka lang!"
Napangit nalang si Carlo at saka lumingon pabalik. Marami rin namang bumagsak sa latest quiz nila.
Expected talaga na mahirap ang Chem. Terror pa prof nila. So dapat kelangan talagang magpursigi.
Pagka-dismiss sa kanila, nagkasalubong si Carlo at Vince. Nagkatinginan sila.
"Inspired pala ha," natatwang sabi ni Carlo.
Ngumti nalang si Vince, "Siyempre ako pa."
Naglalakad sila ng biglang naging seryoso ang usapan.
"Carlo, 18 roses pala ako sa debut ni Margaret."
"Ah, this Friday na yun diba?" tanong ni Carlo.