Chapter 7: Si Vince

1.2K 11 0
                                    

Nakapasa si Carlo sa isang prestigious university sa Manila pagka-graduate nya ng high school.

Nagpasya syang mag-rent na lang ng isang pandalawahang kwarto sa isang boarding house.

Malaki ang kwarto, may sariling kusina, banyo at aparador.

Hindi pa nya nakikita ang kaboardmate at wish nya na sana gwapo at mabait ito. Well, ganun talaga.

Nang maglipat si Carlo ay wala pa ang kasama kayat inantay na lang nya itong dumating.

Ngunit first day of classes na, bakante parin ang kama nito.

Nursing ang kurso ni Carlo. Ito kasi ang gusto ng kanyang Mommy na kunin nya.

Gusto nya rin ang kursong nursing pero kung siya ang pagpipiliin, gusto nyang mag Mass Communications
gaya ng bestfriend na si Sis.

Okay lang ang first day ng klase ni Carlo.

Wala pa silang gaanong ginagawa kaya pinagmasdan na lang nya ang mga bagong kaklase.

Halos lahat ng guys gwapo at mukhang mayaman. Ang mga girls din ay magaganda.

Mapuputi, magaganda ang buhok at maganda ang katawan.

Inisip niya na marami syang katunggali sa atensyon ng mga poging kaklase.

Napansin siya ng isang lalaki na walang kausap kaya't niyaya nya itong makipagkwentuhan kasama
ang isang malaking grupo ng lalaki.

Naki-join naman si Carlo upang walang masabi ang mga lalaki sa kanya.

"Pre, ano pala panagalan mo?" tanong ng lalaking nagyaya sa kanya na ang name pala say Brian.

"Carlol," sagot niya. "Taga Quezon ako pero nagbo-boarding house ako.

"Brian," pakilala ng lalaki. "Eto si Peter, Brent, Raven, Chad, Ed at Vince."

Unti-unting kinilatis ni Carlo ang mga bagong kaklase. Si Peter na medyo pilyo. Pwede narin, sabi niya sa sarili. Ganun talaga.

Sunod naman ay si Brent. Maputi at matangos ang ilong, kaso andaming pimple. Hahaha!

Moreno si Raven. Magkamukha si Raven at si Taylor Lautner na gumaganap na Jacob sa Twilight.

Moreno, malaki ang katawan at maganda ang parehong mata.

Pinoy na pinoy ang dating niya.

Si Chad ay mukhang Emo. Mula sa suot hanggang sa buhok, rakista ang dating.

Si Ed naman ay halatang laking mayaman.

Maganda ang damit, naka-alahas, at Taglish magsalita. At ang asta pa ay pang-mayaman

Kung gaano naman kapino si Ed, ganun naman ka-astig si Vince. Astig ang galaw, salita at porma niya.

Hindi siya astang mayaman gaya ni Ed.

Para siyang anak-mayaman na lumaki sa lansangan gaya ng mga batang kalsada.

May kaya pero normal at simple ang buhay.

At siya nga ang lalaking lubos na napansin ni Carlo.

----------------------------

First time makakilala si Carlo ng isang lalaking tulad ni Vince.

Lahat ng mga nagustuhan nyang lalaki mula kay Kyle at Wesley, ay pawang pang-leading man at Prince Charming ang dating.

Si Vince, iba. Mahilig sa adventure, risk taker at siya yung tipo na gagawin ang lahat ng makakaya
makuha lang ang gusto.

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon