Kahit three days na ang nakalipas matapos ang outing nila sa Bataan, hindi parin balik sa normal ang buhay ni Carlo.
And that is because of one guy named Wesley.
Leave it on Wesley to make evryday special para sa kanila ni Carlo. Naju-juggle nito ang pag-aaral at ang time para sa panliligaw.
Carlo was happy of course, pero may isang lalaking hindi niya maiwasang isipin. And the other guy's name was Vince.
"Vince," sabi niya during their first ever coversation for almost three weeks.
"Caloy ko," sabi ni Vince.
Napansin ni Carlo na may nagbago sa pananalita ni Vince. It was probably because Vince was learning the proper Italian accent.
"Good thing tumawag ka, I was just thinking about you," sabi ni Carlo.
"Hmmm...iniisip mo ako?" tanong ni Vince, gently laughing.
"Yup yup, ikaw nga," sabi ni Carlo.
"So...nakadamit pa ba ako diyan sa isip mo?" pilyong tanong ni Vince. Saka ito tumawa ng mahina.
"Grabe hindi naman," sabi ni Carlo and he too laughed a bit. "No actually, iniisip ko kasi...lilipat na ako."
"Aah," sabi ni Vince. "Edi mabuti, mahal rin ang rent mo lalo na kapag mag-isa ka."
"Yun nga eh," sabi ni Carlo. "Kaso as of now, pinipilit ko pa si Mama ko na lumipat ako."
"Ayos lang," sabi ni Vince. "May tutulong ba sa iyo para maglipat ng gamit?"
Nag-isip si Carlo. He remembered talking to Wesley about helping him just in case lumipat na nga siya.
"I guess so," sabi ni Carlo, obvbiously trying not to mention Wesley. "Well...there's this a guy, a friend."
"Buti naman, " sabi ni Vince. "Sana nga lang matulungan kita sa pagbubuhat."
"So...so you're wishing you were here?" tanong ni Carlo kay Vince.
Vince chuckled. "Siyempre. Pero alam mo, maganda rin dito. Malamig pero sanayan na lang."
Vince went on and on about Italy and all na nangyari sa kaniya.
Nagkwento siya about sa experiences niya, sa food, mga tao, culture and Carlo was left in silence.
Suddenly, hearing all the kwentos of Vince made him feel more distant to him.
He thought of the next words he wanted to say to Vince but nothing entered his mind. He was feeling a bit awkward.
"Carlo? Nakikinig ka ba"
Bakit ba siya nagkakaganito? Why was he feeling bored talking to Vince? Napaka-unusual. Vince's voice was making him tired.
"Hello? Carlo?"
Stop acting like this Carlo. Di mo ba alam na sayang ang load ni Vince?
"Vince, I think may gagawin pa ako," absent minded na nasabi ni Carlo.
"You think may gagawin ka? Wow," malamig na sabi ni Vince.
"No...sorry, Vince, I was just...just tired," nahihiyang sabi ni Carlo.
"Fine, ako din eh," sabi ni Vince.
"I love you," sasabihin sana ni Carlo but Vince already hung up.
Nainis siya sa sarili niya, nainis siya sa cellphone niya. Sa sobrang inis ay binato niya ito sa kama.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------