Chapter 15

510 9 1
                                    

Notice to All Nursing Students:

Varsity Players Auction: Win a date night with your favorite college

hoop hottie. All proceeds will be donated to the Boystown Village,

St. Alphonsius Parish. A joint project by the College of Nursing

Student Council and the Supreme Central Students Council.

Venue: Vinluan Auditorium, 6 PM onwards

Nabasa ito ni Carlo pagdaan niya sa eskwela. Ilang kopya rin ng announcement na ito ang nakapaskil sa mga corridors sa building nila.

Excited ang lahat. Bulung-bulunagn ng mga girls ang trending topic na iyon.

Malamang, sino ba naman ang di may gutsong makisali sa bidding?

Ibang klase din naman kapag maka-date mo ang mga varsity players ng college of nursing.

Matatangkad, magaganda ang built, gwapo rin, ang iba naman nadadala lang ng porma at court moves.

Hindi naman ganong naging interesado si Carlo. Masaya na siya kay Vince. Since the night they had sex, lambingan na sila lagi.

There was no official declaration - yet, na mag-on na sila at happy naman doon si Carlo.

Hindi rin niya naman ine-expect na biglang magbago si Vince at maging lovey-dovey at super sweet sa kanya.

Since alam niya na may pagka-straight parin ito sa ugali at kilos, okay naman na doon si Carlo. One step at a time, ika nga.

"I wouldn't mind..." sabi ni Carlo kay Margaret, isang hapon, sa isang fastfood near the campus. "Manonood ako, but hanggang doon lang."

Every Friday afternoon sila kung kumain ni Margaret. Mas close na sila. Madalas, kapag nasa labas si Carlo ay si Sis o Margaret ang kasama niya.

Pinipilit nya na rin kasing iwasan sila Ed at Raven.

Ewan nya, pero habang mas lalong nadedevelop sila ni Vince, ay the more na umiiwas siya sa kanyang dating barkada.

"Wait, I thought Vince was part of the team?" tanong ni Margaret while sipping her drink.

Napaisip si Carlo. "Alam ko, nag-quit na siya, di na siya nagpra-practice eh," sagot niya.

"Hey guys, sorry Im late," biglag sabi ni Sis, sabay beso sa kanilang dalawa.

Tumabi ito sa kanilang dalawa at sumali sa conversation. Bukod kay Carlo, ay close narin si Margaret sa bff na si Sis.

Simula noong debut kung saan nakapag-bonding din sila.

Biglang may naalala si Carlo. "Wait, Margaret, di ba point guard ng team si Michael?"

Tumango si Margaret. "Yes, why?"

"Edi kasama siya sa auction bukas?" natatawang tanong ni Carlo. Nagkita ang mga mata nila ni Sis, and they smiled coyly.

"Yun nga eh," sabi ni Margaret. "That's why I need to be there. Kelangan ko siyang 'bilhin' bukas."

Tumawa sila Carlo at Sis. Pati narin si Margaret ay nahawa sa tawa nilang dalawa.

Sumabad bigla si Sis. "Di ba siya magagalit, i mean okay lang ba sa kanyang andun ka?"

Boyfriend kasi si Margaret si Michael. Mag-iisang taon na silang mag-on.

"Oo nga" sabi naman ni Carlo. "Or pwede mo naman siyang i-pull out sa auction, hwag na lang siyang sumali."

"Sayang pa pera mo," dagdag ni Sis. Um-agree si Carlo.

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon