Chapter 9

824 14 0
                                    

Walang ibang inisip si Carlo that day kundi si Vince at si Wesley. Nahihirapan siyang makapag concentrate sa lessons.

Pagkatapos ng klase, naligo ulit, nagbihis at dumiretso si Carlo sa restaurant na sinabi ni Wesley.

Pagkadating doon, may reserved table na pala. Medyo maaga pa naman at umupo muna si Carlo.

Wala pa si Wesley. May night subjects kasi ito.

Iniiwasang mag-isip ni Carlo ng kahit ano tungkol kay Vince pero di nya magawa.

Hindi siya maalis sa isipan nya kaya naisipan niyang tawagan ang phone nito.

Habang naghihintay ay sinubukang tawagan ni Carlo si Vince. Hindi nito sinasagot ang phone niya.

Lalong nag-alala si Carlo.

Nag-ring ang phone niya. Sinagot nya ito kaagad thinking it was Vince.

"Vince?" agad niyang nasabi.

Mali siya ng akala. Si Mom niya ang tumawag upang batiin siya.

After ng conversation nila, tumawag din si best friend Sis, at nagtext din si Daddy Johnley.

Pati rin si Kuya Jake at si Lance, nabati narin siya through text.

Ilang minuto pang lumipas, wala pa si Wesley. Thirty minutes na siyang late.

Ang huling text ni Wesley, may dadaanan lang daw ito sandali.

Hanggang sa lumipas ang isang oras...

isang oras at kalahati...

dalawang oras.

...

Two hours and thirty minutes nang late si Wesley. Hindi na rin nito sinasagot ang text at tawag ni Carlo.

Nang tatlong oras na ang lumipas, nainis na si Carlo at nagpasyang umuwi na. Hindi nito aakalaing ganoon ang mangyayari.

Oddly enough, he felt disappointment on Wesley. Nang makauwi siya sa boarding house, wala nang ilaw.

Inisip nyang tulog na si Vince.

Ang loko, baka nagtatampo parin isip ni Carlo.

Dahan-dahn niyang binuksan ang ilaw.

Pagkasindi nya ng ilaw. Nagulat siya sa nakita. May nakasabit na isang 'Happy Birthday Carlo' banner.

Gawa ito sa kartolina at black marker. Medyo messy ang artwork pero wala siyang pakialam.

Sh.it, Vince, ano ito?! isip niya.

Lalo pa siyang nagulat ng makita si Vince, na hawak ang isang gitara suot ang white polo at black pants.

"Happy birthday..." nakangiti at mahinang sinabi ni Vince.

Hindi alam ni Carlo kung ano ang sasabihin. Hindi nya in-expect ang ganitong surprise sa kanyang birthday.

Wala syang nagawa kundi mapaupo sa isang sofa sa harap ni Vince habang kumakanta ito ng acoustic guitar version ng 'Happy Birthday.'

Maganda pala ang boses ni Vince.

Mahusay narin siyang mag-gitara. Hindi mapigilan ni Carlo na kiligin, as usual.

Pero hindi lang pala si Vince ang nandon, sila Ed, Peter, andun sila lahat, nakauniform and all.

Lahat sila kumakanta ng 'happy birthday' kay Carlo.

May hawak pa silang ballons at nagulat si Carlo sa isang case ng beer na dala dala ni Peter.

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon