Nag warm up muna sila Carlo at si Vince. Basic exercise palang. Jogging, stretching, mga ganoong bagay.
Ang cute palang panoorin ni Vince mag-exercise, isip ni Carlo.
Lalo na when he's flexing his biceps, ang sexy ng dating, sabi pa niya. Nag-blush siya ng kaunti.
"Oh, dali subukan mong suntukin ako," sabi ni Vince.
Doon natanggal ang malilikot na isip ni Carlo. Nabalik ang atensyon niya sa boxing. Medyo kinabahan siya.
"Sigurado ka?"
"Oo, sige na," pilit ni Vince.
Carlo tried to punch Vince in his upper torso. Mahina, at mabagal ang galaw niya. Nahihiya sa sarili si Carlo.
"Ayos lang, first time palang naman eh," sabi ni Vince. "Lalakas rin yan," kampante pa nitong dagdag.
Carlo punched him harder. Nawawala ang position ng kamay niya, na tinuro ni Vince.
"Lakasan mo pa," sabi ni Vince pagkatapos nitong muling ayusin ang arm position ni Carlo. Sinuntok ulit ni Carlo si Vince.
"Mas malakas pa diyan," sabi ni Vince na mas nagiging agresibo na. Carlo punched him once more.
"Sige...konti pa," sabi ni Vince.
Hindi lang tinuruan ni Vince si Carlo ng pagsuntok kundi tinuruan niya rin ito ng blocking, at basic na pag-ilag.
By the end of their training sessions, pagod na si Carlo. He looked at Vince.
Pinapasiwasn rin ito gaya niya pero bakas parin ang energy nito. Nginitian niya si Carlo. "Medyo gumagaling ka na."
"Thanks coach," natatawang sabi niya.
Tumawa rin si Vince. Kinuha naman ni Carlo ang panyo niya sa kanyang bulsa saka pinunasan ang pawis ni Vince.
"Salamat ah," sabi ni Carlo. "Nag-enjoy ako, sa totoo lang."
"Buti naman," nakangiting sabi ni Vince. "Nangiti ka, kasi nakita mo yung mga muscles ko."
"Hahaha, hindi naman," sabi ni Carlo. "Nag-enjoy din ako sa training."
Habang pinupunasan ni Carlo ang likod ni Vince, may naisip itong idea.
"At dahil kinumbinsi mo akong mag training ng ganito, may request din ako sa 'yo," sabi niya.
"Ano?"
"Manood tayo ng romantic film," sabi ni Carlo. "Tagal na kitang niyaya manood ng tagalog na romance, kaso nahihiya ako."
"Basta hwag gaanong cheesy ah," sabi ni Vince.
"No, hindi," assured Carlo. "Hindi yung cheesy. Basta, ako bahala."
"Sige na nga," sabi ni Vince. "Sige, di kita tutulugan, promise."
"Yes, thanks!" sabi ni carlo. "After nating magshower, dinner na tayo. "Tapos nood na tayo."
Tumango si Vince. "Ano pala papanoorin natin?"
Ngumiti ng malaki si Carlo. "Milan."
"Yung kay Piolo?"
Carlo nodded. Niyakap niya si Vince. Milan, starring Claudine Barretto and Piolo Pascual.
Somehow, the tiring experience seemed to be worth it after all, with the thought of Vince and him watching a romantic flick
-----------------
Pagkakain nila at pagkaligpit nila ng pinagkainan, inayos na ni Carlo ang TV set.
"Teka, gusto mo sa kwarto nalang tayo manood?," sabi ni Vince.
![](https://img.wattpad.com/cover/36315242-288-k940351.jpg)