You know the time kung saan sa pelikula, magiging slow motion ang eksena? Tapos, lalakas ang kabog ng dibdib? At bibilis ang pintig ng puso?
Akala ni Carlo, ka-cornyhan lang iyon sa mga pelikula, na it can't exist in real life.
Pero heto siya ngayon, feeling the exact same way.
"If this were a dream, ayoko nang magising," sabi niya sa sarili.
Feeling niya dalawa lang sila ni Wesley sa mundo. And the rest was a blurred background.
"Kumusta ka na?" tanong ni Wesley. He extended his arm to shake Carlo's hand.
He was still the same, it seemed. Maaliwalas ang mukha, maputi, matangkad, gwapo parin. He's still Wesley.
Pinunasan muna ni Carlo ang kamay niya bago inabot ang kamay ni Wesley.
His large hand wasn't smooth. But it felt warm as their hands met.
"Ayos...ayos lang," sabi ni Carlo. He was staring at him in disbelief, direct sa mata. "Ikaw?"
"Mabuti naman," he answered. He was still shaking Carlo's hands. "Dito ka pala nagdu-duty."
"Ah oo," sabi ni Carlo at kinalas niya ang kamay niya. "Dito nga."
Ngumiti si Wesley. Carlo thought if Wesley was smiling because of him, or for another reason.
Sumulat siya gamit ang ballpen ni Wesley. Feeling niya namamawis ang kamay niya. Medyo pasmado kasi ang mga ito.
He tried to write pero walang lumalabas na ink. Wala yatang tinta ang ballpen.
"Aah!," medyo iritang nasabi ni Carlo habang tinatapik-tapik niya ang ballpen para magsulat.
"Amin na," sabi ni Wesley. He took a step closer to Carlo. Their shoulders were already together.
He held Carlo's hand that was still cluching the pen. He slowly and gently guided Carlo's hands.
Tila nanandya yata ang panahon. Nagsulat na ang ballpen nang magkahawak ang kamay ni Wesley at Carlo.
After he was done writing, he stared and faced Wesley. Nakangiti parin siya.
"Aahm, ano pala ginagawa mo dito?"
"Wala, wala," sabi ni Wesley. "May bilin kasi si Mama kay tito, doctor siya dito."
"Aaaahhh," sabi ni Carlo. "Ganon ba? Akala ko magpapa-check up ka."
Lalong ngumiti si Wesley. Carlo noticed a dimple come out from Wesley's left cheek. He looked so adorable, ang sarap yakap-yakapin.
"Pwede rin," sabi ni Wesley. "Magpapakuha nalang ako ng BP."
"Ha? Seryoso ka?" tanong ni Carlo. "Wait, tatawag ako ng kukuha-"
Pinigilan siya ni Wesley. "Di ba pwedeng ikaw nalang?"
Nagkatinginan sila. Carlo absent-mindedly bit his tongue, while staring at Wesley who was still grinning broadly.
But before he can answer, may kumalabit na sa kanya. Pinapatawag na pala siya.
"Ahmm...may...may tumatawag na sakin," sabi ni Carlo.
Medyo nawala ang ngiti sa mukha ni Wesley. "Sandali ka lang ba?" tanong niya.
"Aaah, marami kasing gagawin," paalam ni Carlo. He took a last single look at Wesley's face saka tumalikod.
But bigla siyang tinawag ni Wesley.
"Teka lang, Carlo..."
"Bakit?" sabi niya. He watched as Wesley went closer to him. "Anong oras out mo?"