Chapter 8: COMEBACK Season 2

990 10 0
                                    

Linggo na nang hapon ng gumaling na si Vince. At simula ng gumaling siya, naging malapit na ito kay Carlo.

Before, he thought, sinusuklian lang ni Vince ang kabutihang nagawa nito sa kanya noong mga nakaraang araw.

And syempre, na pansamantala lang ito.

Pagkatapos ng dalawa o kaya apat na araw, babalik ulit sa dati ang ugali ni Vince.

Doon sya nagkamali.

Isang lingo na ang nakaraan pero iba parin ang trato sa kanya ni Vince.

Napansin ni Carlo na dumadalas na silang nagkwekwentuhan, nag-aaral, o kaya'y sabay pumasok o umuwi sa klase.

Minsan, magkasama rin silang kumakain at namamasyal sa mall.

Bukod doon, madalang ng nag-uusap pa si Vince at ang girlfriend nito.

Yun lang naman ang nagbago kay Vince.

Sumasama parin ito sa barkada para maglaro ng basketball o kaya'y magcomputer games.

Nandun parin ang ugaling bad boy na simula't-sapul ay kinahumalingan ni Carlo.

Pero dahil madalas na silang magkasama ni Vince, napilitang maging discreet ni Carlo para sa kaibigan.

Pati kila Brian, Ed, at iba pa, nakikisama narin siya.

Astang lalaki siya kahit si Vince mismo, alam na siya'y bading. Parang ang turingan nila ay magkapatid at si Vince ang kuya.

Minsan, nagkayayaan sila Vince, Carlo, Brian, Ed at iba pa na mag-inuman sa isang bar.

Sumama nalang sya para walang masabi ang barkada.

Nakarami na ng inom ang lahat maliban kay Carlo na dalawang baso pa lang ang naiinom.

Ayaw nyang malasing, at baka kung ano pa ang magawa nya para malantad ang totoo nyang pagkatao.

Si Vince naman, lasing na lasing na. Lalong lumalabas ang pagiging bad boy nito.

Pumunta siya sa gitna ng bar at sumayaw na parang isang macho dancer habang itinataas ang suot na t-shirt.

Hiyawan ang mga babae sa loob ng bar. Di mo sila masisisi dahil gwapo nga naman talaga si Vince.

Pati si Carlo na nagpapaka-lalaki, ay di napigilang humiyaw sa tuwa.

Dahil sa ginawa ni Vince, ang mga tao sa bar ay nagsimula naring pumunta sa gitna para sumayaw.

Naiwan si Carlo na mag-isa sa table habang pinapanuod ang ginagawa ng mga kasama.

Sa kanyang pagmamasid ay may nakita siyang lalaki.

Matangkad, maputi, manininpis ang labi...at magagandang itim na mata.

Kilalang-kilala ni Carlo ang mukhang iyon - si Wesley!

Andoon nga si Wesley, naka-polo at may hawak na inumin.

Mag-isa lang ito at tila may inaantay. Walang nagbago sa mukha niya.

In fact, mas lalong naging gwapo.

Hindi alam ni Carlo kung ano ang gagawin kaya nagpaalam siya na uuwi na ito dahil masama ang pakiramdam.

Paglingon palabas ng bar, nakita nya si Wesley sa harapan nya.

---------

Nagulat si Carlo. Wala siyang masabi. "W-Wesley..."

"Carlo," sabi ni Wesley. Medyo nakangiti ito. "Buti naalala mo parin ako. San ka nag-aaral?"

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon