Chapter 16 ANG DATE NI VINCE AT CARLO

503 8 0
                                    

You know that thing, sa movies, kung saan gusto mong pigilin ang oras at gawin itong mabagal dahil sobrang nag-eenjoy ka?

That's the feeling of Carlo's first date. At mixed emotions ang nararamdaman niya.

Excitement, kaba, romantic, happiness, tense. Lahat iyon. If a person could get killed of emotion-overload, maaring patay na siya.

He picked a turquoise polo-shirt to go with his khaki pants.

Naghanap siya ng pwedeng isaling accessory nang mahanap niya ang silver bracelet na bigay ni Wesley.

He hesitated for a while. Dinampot niya ito, and he stared at it. Binalik niya ito sa kahon at sinuot nalang ang bagong biling relo.

Pagkalabas niya ng kwarto, nakaupo na at nag-aabang si Vince. Lumabas sila ng bahay kaagad, pagkasara nila ng bahay.

Inakbayan ni Vince si Carlo habang nag-aantay ng sasakyan.

"Sensya na, di ko nahiram kotse ni kuya," sabi ni Vince, a sense of guilt emanating from his voice.

"Okay lang," sabi ni Carlo. "Ayos lang yun."

"Hayaan mo, magpapabili na ako ng kotse next month," sabi ni Vince. "Papabili ako kay Papa."

"Pero marunong ka ng mag-drive diba?"

"Oo, nagdri-drive ako sa bahay," sabi ni Vince.

Magpapara sana sila ng FX kaso pinilit ni Vince na mag-taxi nalang sila. On their way, magkatabi sila sa backseat.

Nakapatong ang ulo ni Carlo sa balikat ni Vince. Vince clutched his hands and rested it on his lap.

"Ang ganda talaga ng Roxas boulevard pag gabi," sabi ni Carlo.

Dumaan sila sa Malate church. Carlo thought it would be perfect if they get to visit the famous church one of these days.

It was a cold ride kaya naman inakbayan ni Vince si Carlo. Binuksan nung driver ang radio station. And they tuned to Love Radio.

Magsisimula palang ang segment ni Papa Jack. They were listening to the FM kaya naman di nila namalayan na malapit na pala sila.

After that, bumaba na sila ng taxi at saka pumasok na sa isang semi-fine dining na restaurant.

There were few people, thank god.

At walang couples ang nandoon. May mga foreign businessman na nagdi-dinner lang.

Sobrang ingay nila. Kaya naman nag-decide sila that they dine al fresco. Meaning sa outdoors sila kumain.

Ayos naman ang panahon. Hindi ganon kalamig. Breezy and light lang ang wind.

The waiter came and gave them the menu.

"Ano sa 'yo?"

"Ahh...wait," sabi ni Carlo checking the list. Sa huli, he decided to order the tuna belly and Chicken Alfredo pasta.

"Isang tuna belly din sa 'kin," sabi ni Vince sa waiter. "And isang order ng beef tenderloin and two servings ng paella rice."

Medyo napangiti si Carlo. "Gutom ka ano?"

"Oo, eh pagkaguluhan ka naman ng mga chicks," sabi ni Vince sabay kindat na tila nagpa-pacute.

Tumawa sila. Napansin yata ni vince na medyo fidgety si Carlo.

"Ayos ka lang? Nilalamig ka?"

"Ah...hindi...Excited lang. And kinakabahan din..." sagot ni Carlo.

He started twisting his fingers. Ganoon ang mannerism niya pag-kinakabahan.

Hinawakan ni Vince ang kamay ni Carlo. "Wag kang kabahan. Kasama mo naman ako."

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon