Chapter 29

705 15 5
                                    

A few days after their bonding experience nila ni Andrea, Carlo found himslef busy yet again, this time, hindi sa love kung hindi sa studies.

Finals na nila which means he has to work extra hard.

If he passes all his subjects, may isang semester pa. The very last and then, graduate na siya.

Therefore, he spent most of his time finishing his thesis with his group umates till the dead of night.

Isang gabi nga, doon sila sa bahay nila Carlo nag stay.

"Pagod na ako," sabi ni Cecille.

"Bakit ba laging wala si Rustin? He's such a slacker," iritang sabi ni Carlo while skimming through an inch-thick research papers.

"Di niya sinasagot mga tawag ko," sabi ni Conrad. "Bigyan natin siya ng work, unfair naman if laging ganito."

After an hour or so, umuwi narin ang ilang thesis group mates niya. Ang naiwan nalang ay si Daniel.

Out of all his groupmates si Daniel lang ang nagpa-iwan para linisin ang kalat nila.

"Hay nako, ang kakalat talaga," medyo iritang sabi ni Daniel hapag nililigpit ang mga baso sa lamesa.

"Hayaan mo na, next time kila Cecille nalang ulit," sabi ni Carlo.

Patapos na silang magligpit when Carlo heard someone gently knock the door.

Dahil busy si Carlo sa paghugas ng mga glasses, si Daniel na ang nagbukas.

"Hello, andyan ba si Carlo?" sabi ng isang familiar voice.

Lumingon si Carlo kaagad. Si Wesley pala yung tao. Mula sa kusina, pumunta siya sa may pintuan para kausapin si Wesley.

"Wesley...ummm...wow, gabi na ha," nakangiting sabi ni Carlo as he wiped his soapy hands at the back pocket of his shorts.

"Surprise kasi," nakangiti namang tugon ni Wesley. His eyes, too, were smiling. He was looking well-dressed. Napaka-formal.

"Pasok...pasok ka," hurriedly said Carlo at pinaupo niya si Wesley sa sala.

Pagkaupo ni Wesley ay kaagad siyang pumunta ng kwarto para magpalit ng bagong damit, at saka maghugas narin ng kamay.

"May kailangan ka? Naku, dapat nagtext ka," sabi ni Carlo kay Wesley.

Sasagutin sana ni Wesley ang tanong ni Carlo but he looked at Daniel, who was busy fixing his own things.

Carlo thought the answer would be private kaya he waited for a while hanggang sa makaalis si Daniel.

"Wesley, si Daniel pala, ka group ko sa thesis," pakilala ni Carlo. "Daniel, si Wesley."

Daniel smiled at Wesley and then nodded at Carlo. "Mauna na ako," sabi niya.

"Ihatid kita?" alok ni Carlo.

"Huwag na," nakangiting sinabi ni Daniel. He winked at Carlo. "Ayoko nang mag-intrude."

"O sige, magtext ka nalang kapag nakauwi ka na," sabi ni Carlo. "Bye."

Pagkpasok uli ni Carlo sa bahay ay tinawag na siya ni Wesley.

"Carlo, dito ka umupo sa tabi ko," sabi ni Wesley kay Carlo.

"Nagpalit ka pa ng damit mo," puna ni Wesley.

"Ikaw nga bihis na bihis," sabi naman ni Carlo, looking at Wesley's button-down long sleeved and slacks.

Carlo followed Wesley's request, and sat beside him. "So...now na tayo nalang dalawa, ano pala kailangan mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon