Kumakabog ang dibdib ni Carlo. Alam niyang may masama siyang nasabi. Pero meron rin namang nasabi si Vince na di maganda.
Unti-unti he tried to justify his words.
Ngayon lang sila uli nagsigawan. And medyo personal pa ang dahilan.
Mag-iisang oras na ang nakalipas. Di pa pumupunta si Vince sa kwarto. Tinunugan niya si Vince.
Naririnig niya parin ang tv. He must be there. Andon pa siguro si Vince sa sala, nanonood.
Narinig niyang bumukas ang pinto. It was Vince.
Madilim ang kwarto dahil walang ilaw. Tahimik lang ang paligid. Save for the rustling of the trees outside.
"Tulog ka na?" tawag ni Vince.
Napilitan ni Carlo sumagot. Napilitan or tila isang reflex action? Inuusig na yata siya ng konsesnya.
"Hindi pa..."
He felt Vince's presence coming closer. "Patanggal naman itong necktie ko?"
"Huh?" naguluhang bulong ni Carlo.
"Kanina ko pa sinusubukang tanggalin," sabi ni Vince. "Ang higpit eh."
Umupo si Vince mula sa pagkakahiga. "Ano ba nangyari?"
"Medyo nasasakal ako."
"Amin na nga..." tugon ni Carlo.
Pinilit niyang tanggalin ang necktie. Kaya naman pala, iba ang pagkakatali nito. Mahigpit at tila nakapulupot sa leeg ni Vince.
Nahirapan din siya kahit papano dahil madilim nga.
"Aah..." sabi ni Vince. "Dahan-dahan naman...gumaganti ka eh."
"Bakit naman kita gagantihan?"
Natagalan ang pagsagot si Vince. And then there was silence...
"Sorry ah..." sabi ni Vince.
Hindi nakaimik si Carlo. Pursigido siyang kalasin ang necktie.
---------
"Uy, sorry," mahinang ulit ni Vince kay Carlo.
"Di mo naman kaylangan mag-sorry," sabi ni Carlo.
Hinawakan ni Vince ang kamay ni Carlo. "Sorry nga..."
"Okay na. Totoo naman kasi yung mga sinabi mo," sabi ni Carlo.
"Galit ka pa ba sakin?"
Nag-isip si Carlo. "Medyo..? Di ko alam."
Natapos na niyang tanggalin ang necktie. Napahinga sa Vince. Vince massage his throat as if he was choked for hours.
"Matutulog na ako Vince," paalam ni Carlo.
"Gusto mo tabi nalang tayo?" pagyaya ni Vince. Hawak parin ng isa niyang kamay ang isa ring kamay ni Carlo.
"Next time nalang..." sabi ni Carlo.
"Sorry din Vince, Di dapat ako nag-react na ganun. I guess, mahirap sakin intindihin yun. Hindi naman kasi ako...gaya mo, in a way...sorry talaga."
"Ayos lang," sabi ni Vince.
Wala nang masabi pa si Vince. "Carlo..."
"Mmm?"
"Ganito lang yan. Pag nagka-girlfriend ako, hayaan mo, papakilala ko siya sa 'yo."
"May ganun?"
"Oo, parang criteria ko yun. Dapat close kayo."
"Di naman malabo yun eh," sabi ni Carlo in a matter-of-fact tone.