Chapter 12 SEASON 2: CHAPTER 4 ISANG GABI, SA BUHAY NI CARLO AT VINCE

705 11 0
                                    

NSTP. Isang tila walang kabuluhang subject na kailangan para grumaduate.

At walang college student na exempted dito. Kasama na si Carlo.

Sunday. Pahinga nga kasi dapat yun. Pero dahil sa NSTP, napagising si Carlo ng 6:30 ng umaga. Shoot! Late na siya!

Nagmadali siyang naligo. Hindi na siya nag breakfast pa.

Dinalian nya ang galaw at sa bilis nitong magbihis ay nakalimutan na niyang isuot pa ang belt nito. May text pala si Vince.

Vince: Nauna na ako Kaloy, bwhahaha

Nakakainis. Nakakairita. Iyon ang NSTP. Kinakain ang free-time.

Pagdating nya sa campus ay may mga bus na na naroon.

Ilang text pa ay nalaman na niyang late na nga siya. Shoot uli! Fifteen minutes nang umalis ang assigned bus niya.

Naisip niya, di man lang ako ginising ni Vince. Marahil ay nauna itong gumising sa kanya.

Nagtanong siya sa isang prof na naroon kung paano ang gagawin kapag nalate na ang student na kagaya niya.

"Doon ka nalang sa susunod na bus then pagdating nyo sa itenerary ay doon ka nalang uli maki-group sa original section mo."

Fine, isip ni Carlo. Sumakay siya sa bus. Wala siyang kilala doon. Ibang block section ang naka-occupy.

Medyo kumakalam na sikmura niya. Di bale na nga, isip niya. Nang may narinig siyang boses.

"Is this seat taken?"

Lumingon siya. Familiar ang mukha ng babae. Ka-batch niya pero ibang block.

"Ahm, no. Hindi. go lang..." sabi niya.

Umupo tuloy ang babae sa tabi niya. Okay rin 'to. Para walang temtation, isip ni Carlo.

"Thanks! Hi, I'm Margaret pala," pa-friendly na sabi ng babae.

Tinignan siya ni Carlo. Mestisa siya. Medyo matangkad, medyo maganda. Slim ang body. Mukhang mayaman.

"Carlo...my name's Carlo," sagot niya turo sa sarili. Kumalam uli ang tiyan niya.

"Aaah, okay. Familiar ka. Section two ka, right?" tanong ni Margaret.

"Yeah, ikaw? I love your bag by the way," ngiti ni Carlo. Sabi ko na nga ba, kaya familiar ka eh, isip niya.

"Thanks! I'm in section four," sabi nito.

Kumuha siya ng isang party size na chips sa bag nito at saka binuksan. Inalok niya si Carlo.

"Want some? Di pa ako nag-breakfast eh!"

"Thanks," sabi ni Carlo. Kumuha siya ng marami at nilagay sa palad nito. "Ako rin eh. Na-late kasi ako."

"Go ahead, kuha ka lang. Ako din eh. May kasama ka ba?"

"Ah, wala eh. Na-late nga ako so yun," sabi ni Carlo habang nginunguya ang malutong na potato chips.

"Oh, wait, prof nyo ba si Sir Alejandro?" biglang tanong ni Margaret.

"Ay naku, let's not talk about him," sabi ni Carlo sa pagkainis.

In-imitate nito ang malalim na boses ng history prof nilang si Sir Alejandro. "It's in the book. It's all in the book!"

Tumawa silang dalawa. Sobrang lakas na nagtinginan ang ibnag students.

"I know right! Grabe, katamad nya mag-discuss. And he gave me tres nga last sem eh."

"Tell me about it!" sabi ni Carlo sabay kuha pa ng chips.

Ang Buhay ni CarloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon